Sa tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata,
Para bang may mga paru-parong nagliliparan sa'king tiyan ang nadarama;
Para bang ako'y naka-lutang sa ibabaw ng ulap,
Ngunit, batid ko na ikaw lamang ay isang pangarap na hindi matutupad.Sa tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata,
Nakakasalubong kong mata ay kasama ang ngiting napakatamis;
Kahit iwasan, ako parin ay umaasa,
Umaasa parin kahit alam na ang kapalit ay hapis.

BINABASA MO ANG
Book of Feelings
PoésieMga damdaming hindi kayang ibigkas kaya natipon sa mga salita.