Nagbago ka na.
Nang narinig ko ang balita patungkol sa'yo,
Hindi ako makapaniwala;
Akala ko'y walang nagbago, ngunit nagkamali ako.Anim na taon tayong nagkasama,
Anim na taon tayong nagkuwentuhan;
Anim na taon na ala-ala,
Ngunit masisira ba dahil sa isang kasalanan?Noong tayo'y nasa elementarya pa lamang,
Hindi pa pumapasok sa isipan ang salitang pagmamahal;
Oo. Dahil hanggang paghanga palang,
Ngunit bakit ngayon, Para bang hindi ka mabubuhay kung wala ang salitang iyan?Sana'y bumalik ka na sa dati;
Tignan mo sa salamin ang iyong sarili,
Ikaw nga ba ang iyong nakikita?
Ngayon sabihin mo saakin kung ikaw ba ay nagbago na.

BINABASA MO ANG
Book of Feelings
PoezieMga damdaming hindi kayang ibigkas kaya natipon sa mga salita.