Ac's POV
"Sorry. Pero ayoko na."
"Bakit AC? Ano bang problema?May kulang ba sakin?"
"Walang problema Kurt. At mas lalong walang kulang sayo. Its just that narealize kong hindi ako worth it para sayo" Hay nako! Ito nanaman ako. May nasasaktan nang dahil sakin.
"Please Ac! I'm begging you. Wag mong gawin sakin to. Mahal kita!"
Ang kulit rin ng lalaking to. Tsk! "Kurt, you making this hard for me. Let's stop this. Ako ang nakokonsensya dahil sa ginagawa natin na labag naman sa loob ko."
"So, you mean all this time ako lang ang nagmamahal dito. Ako lang ang nagdadala sa relasyon natin? Darn it! Dapat sinabi mo sakin para hindi ako nagmukhang tanga AC!"
"I'm so sorry kurt. Sorry talaga." Yun nalang nasabi ko saka tumalikod para umalis. Hay buhay!
"I love you AC!" bulong nya.
Lumingon ako para tignan sya. Nakita kong may tumulong luha sa mata nya. Sh*t! Ang galing mo AC may napaiyak ka nanaman.
"Sorry kurt." Lumakad nako papunta sa motor ko at umalis para maka uwi na.
-----
Nang makapasok ako sa bahay nakita ko si kuya sa sala nanonood ng paborito nyang cartoons. Si kuya talaga ang tanda na nanonood pa rin ng spongebob.
"Kuya!"
"Oh! Panget nandyan ka na pala. Magpalit ka na at dadating na sila mama."
Oo nga pala. Sabay pala kaming magdidinner ngayon. Once a week lang kasi sila umuuwi dahil busy sa trabaho.
Umakyat nako sa kwarto saka nagbihis.
"I love you AC!"
Sh*t! Kinokonsensya nanaman ako. Arggg! Lagi nalang akong may nasasaktan. Sakit sa bangs.
Ohw? Wait! Di pa ko nagpapakilala sa inyo hehe. I'm Anna Chriesel de Los Reyes. 16 years of age. 4th year highschool. Yun lang *bow*
Well kalimutan nalang natin ang nangyare kanina. Makakamove on rin yun. 3 months lang naman naging kami kaya never mind.
----
"So baby girl, kamusta na kayo ng boyfriend mo?" Tanong ni mama.
"Hay nako ma! As usual break nanaman sila. Wala namang lalakeng nagtatagal dyan ehh"
Leche to si kuya. Asuserong bakla. Tsk!
"Shut up kuya."
"Anong nangyare baby?" Tanong naman ni papa.
"Kasi naman pa---"
"Can you shut up Ace. Mind your own bussiness. Sabat ka ng sabat." Sagot ko kay kuya. Nakakainis na tong lalakeng to.
"Aba't AC kuya mo ko! IniAce Ace mo lang ako! Pektusan kita dyan ehh."
"Stop it! Ace shut up ka nalng dyan. Hayaan mo na yang kapatid mo."
"Pero pa---"
"Its ok Ace. Kailangan lang mag move on ni AC." Sabi ni mama.
"Eh ma. Hindi naman po ako nasaktan eh. Nakokonsenya lang ako." Totoo naman ehh. Hindi ako nasaktan kahit konti.
"Makakarma ka talaga AC." Sabat nanamn ni kuya.
Karma? Parang hindi naman. Dati ko pa nga iniintay yan ehh. At kahit na masaktan ako ok lang kasi yun naman talaga gusto ko. Ang masaktan.
"If that so. Ok lang. Gusto ko nga yun ehh."
Napahinto sila sa sinabi ko. Oh bakit? Epic ng mukha nila. Hahahahaha
"Are you serious Ac?!" Gulat na tanong ni mama.
"Why? Gusto ko lang naman maranasan na masaktan because of love. Kaya nga ko nakikipag break sa kanila to see kung masasaktan ako, but unfortunately not." Inosente kong sagot sa kanila.
Ang lame ng reason ko noh? Pero totoo talaga yun. Hindi ko pa naranasan ang salitang yun kaya gustong gusto ko.
"Baliw ka na AC!" Sabay na sabi ni papa at kuya.
Napatawa nalang ako sa inasal nila. Hindi nila ako naiintindihan at hinding hindi talaga nila ako maiintindihan.
BINABASA MO ANG
Hurt Me, Please?
Short StoryAko lang ba yung babaeng gustong masaktan? Yung gustong makaranas na umiyak gabi-gabi. Yung hindi makakain dahil sa sakit nararamdaman. Yung ayaw na magmahal kasi nasaktan na. Ako lang ba? Gusto kong masaktan. Gusto ko ako yung masasaktan. Ako lang...