Chapter 10 (First date)

3 0 0
                                    


AC's POV

Nandito ako ngayon sa sala naghihintay ng himala. Ha-ha-ha. Corny anputs. Di joke lang. Hinihintay ko si myloves. Ayieee chos.

Bakit ba tagal nun? Sabi nya 30 minutes. Kanina pa ko dito ha. Langya.

*bzz-bzzz*

From: My CA<3

Nasa labas nako baby. Labas na dyan.

At sa wakas. Kala ko di na sya dadating.

Lumabas nako ng bahay. Nakita ko syang nakatayo sa labas ng gate.

"Tagal ha?" Then I rolled my eyes.

Ngumisi lang sya. "Sorry na baby. May emergency lang."

"Tsk! Ok. San mo ba ko dadalhin?" Excited kong tanong.

"Di ko alam. Hahaha"

Seriously? Yung totoo?

"Siraulo ka. Hahaha. Ang lakas ng loob mong mag aya tapos wala ka naman pa lang plano." Sabay batok sa kanya.

Tumawa lang sya tapos kinamot yung parte na binatukan ko.

"Hahahaha. Sensya naman. Biglaan naman kasi tong date natin. Saan mo ba gustong pumunta?"

Ahmf. San nga ba? Ayoko namang mag mall. Like duh. Wla na bang bago. Aha! Ehh kung sa---

"Amusement park/ Amusement nalang"

Nagtinginan kami sabay tawa.

"Hahahaha. Pareho pa tayo ng iniisip." Sabi nya.

"Oo nga ehh. Hahaha"

"Meant-to-be talaga yata tayo."

Napatigil ako sa pagtawa. Tiningnan ko sya. Seryoso lang yung mukha nya. Awkward!

"Ha-ha-ha. Sira! Tara na nga."

Naglakad nako saka iniwan sya dun. *dug-dug* tae naman. Ang galing talaga trumabaho ng lalakeng to. Di ko napansin na nakangiti na pala ko.

"Huyy! Baby hintay naman dyan. Ang bilis mong maglakad."

Huminto ako para hintayin sya tapos sabay na kami nag lakad.

----

*sa amusement park*

Whooww! Ang daming tao. Mukang masaya to.

"Baby ang daming tao. Baka bukas pa tayo makasakay nito." Maktol nya.

"Nu ka ba? Di yan. Tara bili tayo ng ticket."

Hinila ko na sya papunta sa bilihan ng ticket. Ang haba ng pila.

Napatingin ako sa kanya nang hawakan nya yung kamay ko.

"Hmmm?"

"Wala lang. Gusto ko lang hawakan kamay mo." Tapos ngumiti sya.

Umiwas ako ng tingin. Gosh! Ang gwapo nya talaga.

"Alam kong gwapo ako baby. No need to say it. Haha"

Lumaki bigla mata ko. Mind reader ba sya?

"Hindi ako mind reader. Sadyang narinig ko lang. Haha"

Ha? Sinabi ko ba yun? Di ba inisip ko lang? Napalakas ata ang pag iisip ko.

"Che. Yabang!"

"Hahaha. Gwapo lang ako pero hindi ako mayabang."

Aba'y napaka talaga ng sang toh.

"Uyy! Tayo na pala?"

Kami na pala ang sunod. Ang bilis ata. Nasa counter na kami.

"Tayo naman na talaga ha? Nung nakaraang araw pa. Hahaha"

Uminit bigla yung pisngi. Nu ba pinagsasabi nito?

"Sweet nyo naman."

Nilingon ko yung babae na nasa counter. Nakangiti sya samin. Langya nakatingin na pala halos samin yung mga taong nandun. Nahiya ako bigla.

"Bagay kami ate no?" Sabi nya sabay akbay sakin.

Lalong lumaki ang ngiti nung babae sabay thumbs up.

Putcha. Nakakahiyang kasama to. Busetttt!

"Ah. He-he-he. Dalawang pang all rides na ticket ate." Sabi ko.

Kinurot ko si CA nung makaalis kami dun sa counter.

"Aray naman baby. Sakit nun ha? *pout*"

"Kahiya kang lalaki ka. Buset!" Tapos piningot ko yung taenga nya.

"AWWW! BABY NAMAN EHH! HUHUHU!"

Binitawan ko na sya. Kawawa naman. Namumula na yung tenga nya. Ang cute!

"Kinilig ka lang ehh" bulong nya. Sakto lang para marinig ko.

"Gusto mong mapingot ulet?"

"Ito naman si baby. Sabi ko nga dun na tayo ohh."

Hinila nya ko dun sa ride na hindi ko alam ang tawag. Yung iaangat ka tapos kapag nasa tuktok na biglang bababa ng mabilis. Gets nyo?

Tumingala ako. Nakakatakot sya. Hindi pa ko nakakasakay sa kahit na anong rides dito sa amusement park kasi pag gumagala kami ni kuya hindi nya ko pinapayagang sumakay kasi delikado daw pero sya pwede. Langya.

Hinigpitan ni CA ang hawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya.

"Ok lang yan baby. Sisiw lang yan. Fighting!"

Napatawa nalang ako kasi nag form sya ng finger heart tapos ginaya nya pa yung accent ng mga korean.

Pinapasok na kami ng nagbabantay at pinasakay na. Magkatabi kami ng upuan.

Nilock na ng mga staff yung seat belt at mga kung ano ano pang ekek. Then umangat na sya.

Nakapikit lang ako while nagdadasal na wag sana kaming mahulog. Napadilat nalang ako ng kinuha ni CA yung kamay kong nakakapit sa upuan ko.

"Hey! Wag kang pumikit. Tingnan mo yung view ang ganda." Sabi nya.

Maganda nga. Habang ako'y naaamaze sa view bigla nalang---

*bwisshhhh* (nahulog na po sila)

"WAAAAAHHHHHHHHH! CCCCCCCCAAAAAAAAAA! WOHHHHHHH"

"WOOOOOHHHHHHH! AAAAAACCCCCCC! HAHAHA"

And shing. Tapos na. Ang bilis naman. Hahahaha. Ang saya nun.

"Woh! Success!" Sabi ko nang makababa kami.

"Hahaha! Ang epic ng mukha mo baby."

"Hahaha. Parang naiwan pa yung kaluluwa ko dun."

Tawa lang kami ng tawa the whole day. At masasabi kong this is the best date I've ever had. Thanks to him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hurt Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon