Chapter 7(First Move)

2 1 0
                                    

AC's POV

We're here at school already. Wala pa masyadong tao kasi maaga pa talaga. Kunti lang yata ang may klase ngayon.

"So this is the plan." Tawag pansin sakin ni Ash.

"Wait lang. Upo muna tayo doon."

And pumunta kami sa pinakamalapit na bench samin.

"Ano ba yun? Siguraduhin mong matino yang gagawin mo Ash kundi lagot ka sakin."

"Seriously? Ako ba tinatakot mo?"

Aba siraulo to ah.

"Hindi. Pinapatawa kita. Ito nga oh. Tingin ka dito baby. 1 2 3 bulaga!"

Ginawa ko yun na parang may pinapatawang baby. Tumingin lang sya sakin ng may bored na mukha.

"Tatawa na ba ko?"

"Hindi. Umiyak ka. Dali iyak na dyan. Patatahanin kita. Daliiiii!" Sabay yugyog ng balikat nya.

Nakakainis tong isang to. Keaga aga basag trip.

"Hush! Stop it. You crazy woman!"

Tinanggal nya yung kamay ko sa balikat nya at nagpagpag na parang nandidiri.

"Wow! Just wow! What do you think of me? May nakakahawang virus?"

"Oo."

Aba't sumasagot pa talaga.

"Ahh ganun? Pwes maghanap ka nalang ng ibang igigirlfriend mo para dyan sa plano mong pang sira ulo."

Aalis na sana ako nang hinila nya ko pabalik. And to my surprise?

Nakayakap na sya sakin. What's with him? *dug-dug*

"Stay. Just stay. Please?"

Ano daw?

"Wh-what?"

"I said stay. Nandyan si Kim. Nakatingin sya satin!" Bulong nya.

Titingin sana ako sa likod ko but hinigpitan nya yung yakap.

Kumawala na sya at inayos ang damit nya. Nagpalinga linga ko.

"Asan na sya?"

"Umalis na."

Ahhh. Ganun? Dapat di pa sya umalis para mas matagal pa yung yakap. Hahaha charot lang. (Otor: Talande mo besh) Epal ka po otor.

"Tara sa cafeteria. Di pa ko kumakain."

Hinila nanaman nya ko. Yung totoo anong meron sa kanya ngayon at ang hilig nyang manghila.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. "A-ano Ash. Yung ka-kamay ko."

Nakakahiya kaya. Di kasi ako sanay nang may kahawak kamay. Hindi kasi ako nakikipagholding hand sa mga past bf ko.

"What? Anong meron sa kamay mo?"

"Bi-bitawan mo."

"Tsk! Arte. Wag na. Gutom nako." And mas hinila pa nya ko.

Emegesh besh. HHWW itech. First time ito. Wushhh! Pinagpapawisan ata ko. *pahid ng pawis sa noo*.

"Na pano ka?" Tanong nya sakin.

"Ha?"

"Sabi ko na pano ka? Bat ka pinagpapawisan?" Sabay pahid nya ng pawis ko.

"A-ano! Ako na. Wa-wala lang to. Hehe mainit kasi."

Tae kinikilig ako. Yieeeeeeh^¿^

"Anong mainit? Ang lamig nga eh. Najejebs ka no?"

"Huyy! Hindi noh. Leche to. Lakad na. Umorder ka na dun."

Langyang lalaki to. Di kaya ko najejebs. Kinikilig ako. Ok. Kinikilig. Iba ang kinikilig sa natatae. (Otor: Pasintabi po sa kumakain. Medyo bastusin kasi tong alaga ko. Mianhe)

"Weh? Di nga?" May mapang asar nyang sabi.

"Hindi nga sabi. Isa pa Dela Cruz pepektusan na kita. Layas na sa harap ko. Hmmp!"

Kaasar ang isang to. Sarap nyang ipatapon sa ilog pasig.

"Hahahaha. Oo na aalis na po. Basta may CR doon ohh. Bwahaha." Patawa tawa pa syang umalis.

Ang gwapo nyang tumawa. Dapat lagi nalang syang ganyan hindi yung palagi syang nakasimangot.

*dug-dug-dug* napahawak ako sa chest ko. Mukang makukuha ko na talaga ang gusto ko. Umpisa pa nga lang to pero parang hulog na ko. Ang galing mo Christian Ash Dela Cruz.

Hurt Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon