CHAPTER 4:

739 30 0
                                    

 

DAHIL interesado si Max kay Kianna,pinasubay bayan nya ang dalaga at kinuha lahat na impormasyon tungkol sa dalaga,isinama nya ang dalaga sa mga buburahin nya na nasa posisyon na mag katungkulan sa goberno.Bawat tao na naging sagabal sa kanila ng ama ay kailangan burahin,at nakasama na si Kianna sa mga yun.

"Boss,sayang naman ang ganda pa naman!"

Ika ni Tibo na inutusan nyang kumuha ng files sa opisina ng daddy nya.

"Ikaw tumigil ka,makakatikim kana sa akin!Pati ba naman ang sundalo na yun!"

"Ganda kaya!Pero teka, bakit naman halos magkahawig sila ni LT.Axel Medrano?!Di kaya mag kamag anak sila,or baka isa yan sa triplets na nawala!"

Titig na titig si Max, sa dalawang larawan at bigla syang napasimangot, napailings dahil may similarity nga ang dalawa, naging interesado sya sa dalawa bagay na lihim nyang inalam.

"Bakit mo naman natanong ang tungkol sa mga Medrano Max! Kaaway sila na nag silbing anay sa grupo natin!Sila ang titimbog sa grupo kung hindi ka kikilos."

"Totoo bang nawala ang Triplets ng mga Medrano?!"

"Gago tong bata na ito! Bakit ako ang tatanungin mo! Bakit hindi yung mga Medrano na yan!

"Dahil alam ko na kahit wala na si General Medrano,galit ka parin dad bakit?gaano ka laki ang kasalanan sayo ng mga Medrano?!"

Sa galit ni Mr Valenzuela sa anak,nasuntok nya ito at nangigil sya ng nakita nya sa mukha ng binata ang dugong Medrano,at hindi nya papayagan na masayang ang pag palaki nya sa anak navtutugis ng sariling dugo nya.

"Segi... dad!Pqtayin mo na ako!masgustuhin kung mapataybmo ako sa gulpi kaysa pamumunuan ko ang grupo mong binuo na naging silbing anay ng lipunan!Pinag sisihan kung naging anak mo ako!"

Sigaw ng binata at tumakbo palabas at agad na kinuha ang sasakyan,walang pakialam kubg sino ang mga nakakasalubong nya.

"Tibo,sundan nyo si Max!"

Sigaw ng matanda, nag nakita na malayo na ang anak,napaisip sya ng malalim sa mga ikinikilos ni Max,dahil lumalabas ang tunay na dugo ng mga Medrano sa katawan ng binata.Taliwas ito sa inaasahan nya at natakot sya na balang araw sya ang ilaglag ng anak.

"No! Kailangan may gagawin ako! Hindi pwede na paiiralin nya ang dugo na kinamumuhian ko!dugo ng tao na naging kaaway ko sa lahat ng bagay!"

Habang nag mamaneho si Max,di alam ang pupuntahan basta nalang ikot sya ng ikot hanggang sa mahilo at may nakita syang taong nag uumpukan piit nyang umiwas,ngunit nagigilan sya ng nakita nya ang babaeng sundalo na muntik ng tumimbog sa kanya.

"Ikaw na naman!Sino kaba talaga!Bakit parang may kung anong pumipigil sa akin na tudasin ka! Hayan na oh,kayang kaya na kitang tirahin."

Galit na ika ni Max ag binato ang baril nya at nag madali nalumayo ng biglang lumingon si Kianna.

"Aba ang hambog yun ah!"

Sambit ng dalagavat kinuha ang motor nya at hinabol ang sasayan na kilala nya kung sino ang mag mamaneho.Dahil divlang sankabayo magaling si Kianna pati motor ay susuko sa kanya, nag hanap sya mg lugar na kaya nyang paliparin ang motor na dala nya,Samantala biglang natigilan si Max ng nakita nyang may nakasunod sa kanya ng nakilala nya kung sino ang ang pangahas na sundan sya. Nagulat sya bigla ng lumipat sa iri ang motor at isang kisap mata ay nasa harapan nya na ito at bigla syang napa preno ng nakita nya ang babaeng nag tanggal ng helmet.

"Ikaw na naman! Nag hahanap ka ng sakit sa katawan!"

Galit na sigaw ni Max at inapakan ang gasolinador lalong nainis ng ng nakita nyang bumaba si Kianna at palapit ito sa kanya,nang nakita nyang nasa tabi na ang dalaga patagilid nyang pinatakbo ang sasakyan na kinagulat ni Kianna dahil dinaanan lang sya. Sa inis nya.Pinag babaril nya ang sasakyan ngnunit patuloy parin ito na tumatakbo .Agad na kinuha ng dalaga motor at hinabol pa ang binata na nag panic ng naamoy nya na may nasusunog sa sasakyan nya.

TRIPLETS BY: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon