Dahil sa narinig ni Kianna,hilam sa luha ang mga mata at niyakap nya ng mahigpit at nag pasalamat sya sa dalawang tao na nag aruga sa kanya. Alm nyang kulang ang pasasalamat na kabayaran sa pag aruga sa kanya."Ibig sabihin ba nyan ay iiwan mo na kami?!"
"Pangako,di ko kayo iiwan kung kunin man po ako ni General,seguraduhin ko g kasama ko kayo. Hindi po ako mabubuhay ng wala kayo."
Sa pag daan ng araw,unti-unti na tinanggap ni Kianna ang tunay na pamilya sa puso nya, at nakiusap sya sa ama na hayaan syang tumira sa magulang na kinagisnan nya, di naman tumutol si General Medrano dahil ang mahalaga ay kinilala silang parti ng buhay ng dalaga. Samantala si Mrs Medrano at si Max ay pinadala sa (us),para doon mag pagaling,nangako si Edwardo sa asawa na pag matapos na ang gulo ay ibabalik sila ni Max sa pilipinas.Mahirap man sa matandang babae na iiwan ang dalawang kambal ngunit wala syang magawa kundi ipagkatiwala sa diyos ang dalawa dahil tulad ng ama nila may tungkulin silang gagampanan dahil ang laban ng ama ay laban rin ng dalawa.
"Max,bilisan mo ang pag pa galing hah,tapos mag aral ka ng airforce para kumpleto na tayo."
Ika ni Axel sa kakambal,at tanging pabaon ni Kianna sa kakambal ay halik at pag asa.
"Marge,huwah mong pàbayaan si Max,alam kung di mo obligasyon na alagaan sya,ngunit para nalang sa isang kaibigan."
Pakiusap ni Kianna ,sa dalaga at tango lang ang sinagot ng dalaga at naalala nya ang ama. Sandaling gumuhit ang lungkot sa mukha ng dalaga na agad nahulaan ni Axel.
"Hahanapin ko ang tatay mo,kahit na tinangkaan nya ang buhay namin,ibabalik ko sya ng bou sayo. At matapos ang lahat na ito kailangan mo rin panagutan ang ang kasalanan mo."
"Grabe ka,di naman mainit ang dugo mo sa akin?!"
"No,!"
"O,tapos.....?!"
Agad na tumalikod si Marge para humabol sa dalawa na papasok na at biglan hinawakan ni Axel ang kamay ng dalaga at bigla itong luminggon.
""Bakit?!"
"Huwag mong mahalin ang kakambal ko!"
Bulong ng binata at napasimangot si Marge at tumalikod na my ngiti. Hihintay ng tatlo na makaalis ang eroplano na sinakyan ng tatlo at saka sila umalis,habang pabalik sila sa crame biglang napatitig si Edwardo sa katabing sasakyan at bigla syang kinabahan ng nakita nya ang kaibigan kaya napa preno sya.habang dumiritso ang sasakyan na sinakyan ni General Valenzuela.
"Dad,bakit?!"
Tanong ni Axel, agad na kinasa ang baril at sumilip sa bintana.
"General nakita mo ang nakita ko?!"
Tanong ni Kianna sa ama,at napalingon ito sa kanya. Boung akala ng matanda sya lang ang nakakita sa kaibigan kaya kinabahan ito ng biglang humaramg ang itim na sasakyan sa daanan nila at may lumabas na mga lalaki.
"Dad, atras mo!"
Sigaw ni LT. Medrano at pinindot ang button para bumukas ang bubung ng sasakyan ng nila.
"Col. ,may machinegun sa likod mas mainam yun!"
Agad na kinuha ni Kianna ang baril at matapang sya na tumayo at sinalubong ang mga bala ng kalaban. Di mag papapigil ang magkapatid isa-isa nilang pinagapang ang mga tauhan ni General Valenzuela,at ng nakalayo na sila ay sabay ma bumaba si General Medrano at si LT. Medrano, para sugurin din ang itim na sasakyan kung saan naroon ang kalaban.
"Anak ng kalabaw! Nag sanib pwersa na ang mag ama! Ano pa ang hinihintay mo!"
Kinabahan na pinatakbo ng driver ng matanda ang sasakyan at natakot ito sa bawat bala na tumatama sa sasakyan nila.

BINABASA MO ANG
TRIPLETS BY: BLOODYHEART
AkcjaTatlong tao na pinaglayo ng trahedya at pinagtagpo ng pakakataon sa hindi inaasahang pangyayari. 2nd LT. Axel Medrano Commanding officer na pinadala sa Negros para pigilin ang mga di magandang ginagawa ng mga rebelde. Col. Khianna Katindig Mabagsik...