CHAPTER 16:

717 30 0
                                    

 

Di naka kibo ang matanda at natulala sya ng nakita nya ang anak na nakahawak sa kanyang balikat.

"Dy, pumasok na kami nang bahala ni Kuya."

Utos ni Kianna sa ama ng nakita nya ang ina nasa loob ng kweba.

"Inay?!"

Naiyak na niyakap ng dalaga ang ina,natuwa sya dahil nailigtas ng ama ang mga mga taong kumopkop sa kanya. Di nag tagal ang dalaga iniwan nya ang tatlo at nag patuloy ito na lumusob sa lugar kung saan naroon si General Valenzuela. Walang inuurungan ang magkapaid,agad-agad sila lumusob na kina bigla ng mga tauhan ni General Valenzuela.

"Sige mga ungas! Laban kayo hanggat kaya ninyo,titingnan ko lang kung kaya kayong ipag tangol ng amo ninyo!"

Galit na sigaw ni Kianna,di tumigil sa pag kalabit ng baril . Ganon din si Axel, sa galit nya di na binigyan ng pag kakataon na sumuko ang mga kalaban ng biglang isang matanda ang napaluhod at humawak sa paa ng binata.

"Huwag...,susuko na ako!gusto ko pa mabuhay!"

Sigaw ni ka Nonoy,biglang napalingon si Kianna ng narinig nya ang boses ng matanda. Sabay na kumasa ng baril si Axel agad nyang tinakbo ang kapatid at tinaas nya ang baril kaya tumama sa sa taas ang bala.

"Bakit Col?!"

"Si ka Nonoy,ang ama ni Marge! Di ba nangako kang ililigtas ang ama nya sa kamay ng amo nyang ganid!"

Napasimangot si Axel, nilingon ang matanda na naka luhod parin . Sa awa ni Kiannà, umupo ito para itayo ang matanda.

"Ka Nonoy?!"

"Binaril nya ang dalawa kong paa ng paulit -ulit akong pumalpak. Dahil napabayaan ito segurado akong puputulin ang mga paa ko.!"

Pag susumamo ng matanda, dahil mabuting tao ang mag kapatid, natablan ito ng awa,at pinabuhat nila ang matanda para ipadala sa Manila. Halos nabubos ng mga sundalo at military ang mga tauhan ni General Valenzuela, hinanap nila ang matanda ngunit wala ito sa paligid. Mula sa kinaroon ng matanda,nakita nya ang galaw ng magkapatid kaya umalisto ito .kasama ng kanyang ilang tauhan umurong sila dahil wala silang laban.

"Tol,wala si tanda.segurado naka lusot yun!"

"Hanapin ninyo! Nasa paligid lang s'ya. Kung tumakas yun,segurado di pa nakalayo!"

"Grabeng dulas nya,lakas ng pakiramdam na parating tayo.!"

"May -araw din s'ya! Di lahat na panahon may swerte s'ya!"

Galit na binuhusan ng galolina ni Kianna ang paligid kung saan,nandoon nakatayo ang mga bahay ng mga kalaban at tauhan ni General Valezuela. Hinayaan ni Axel na mag wala ang kapatid para mailabas ang galit nito. Samantala halos nag susumiklab din sa galit ang matanda habang tanaw na nasusunog ang mga kubo nila. Gusto nyang pigilan ngunit wala syang magawa dahil di sya pwede lumantad dahil nakatambay sa ire ang helekopter na nakahanda ng mag hulog ng bomba.

"Boss,wala na tayong kubo, wala na rin ang mga pamilya namin!"

"Mga ungas,mahalaga pa ba ang pamilya ninyo kaysa sariling buhay ninyo!"

Tumahimik lang ang mga tauhan ng matanda ng isa-isa nya itong tinulak,dahil ayaw na ayaw nya na makarinig ng tinatawag na pamilya dahil ayaw nyang isipin na ang babae na mag bigay sa kanya ng pamilya ay pag aari ng iba.

"Boss,bakit ba ang manhid ninyo! Wala na kayong pakialam sa mga naramdaman namin!".

"Gago gusto mong malaman!"

Tahimik lang ang apat na lalaki at nakinig sa sinabi ng matanda at doon naintindihan nila kung bakit ganon kalupit ang matanda. Samantala abo na ang lugar kung saan nakatira ng mga grupo ni General Valenzuela ng iniwan ng magkapatid,tiniyak nila na wala makuha na kahit ano ang matanda. Mula sa masukal na kagubatan, isa-isa na nag lakad ang mga sundalo habang alalay ng mag kapatid ang tatlong matanda para ligtas silang makauwi ng Manila.

TRIPLETS BY: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon