CHAPTER 5:

708 32 0
                                    

   

DAHIL gustong makalayo ni Max sa ama nag madali syang nag impaki gusto nyang makalayo na bago pa dumating ang ama.Alam nyang katakot -takot na sermon ang aabutin n'ya pag malaman nyang naisahan sya ng hamak na babae lang.

"Anak sigurado kana ba talaga sa desisyon mo?!"

"Yes mom,wala rin kasi mangyayari kung sakali dito ako,saka di na ako hahanapin pa ng batas dahil akala nila patay na ako."

"Sino nag sabi?Alam mo ba nas si Col. Kianna Katindig ay hindi basta-basta!hanggang ngayon,di sila naniniwala na patay kana hanggat walang ibedinsya.!"

Ika ng ama ng nadatnan nito ang mag ina na nag usap.

"Sa tanan ng buhay mo,ngayon ka lang nag desisyon ng tama! Ang magtago ng habang ginagalugad ka ni Col.Katindig ,pero mag ingat ka dahil sa pupuntahan mo may isa pang mabagsik na lion,baka igisa ka sa sarili mong mantika."

"Sino?anong ibig mong sabihin?!"

"Si 2nd LT. Axel Medrano nasa negross at hinahunting din ang mga privite army natin."

Napalingon si Max sa narinig, ngunit imbis na matakot ay lalonog nanggigil ito,sa di alam na dahilan. Madalas nya marinig sa ama nya ang tungkol sa mga Medrano at di nya maintindihan kung bakit afected sya.

"I go! Wala akong pakialam sa kanya,saka mas maganda ng sya ang makalaban ko kaysa kay Katindig!"

"Kibit balikat lang si General Valenzuela,ngunit sa loob nya ay nag diwang dahil matupad na ang gusto nyang mangyari."

Ilang oras lang ang byahe ni Max,narating nyabang Bacolod ng hating gabi. Agad nyang nakita ang mga tao na kinuntak nya na mag sundo sa kanya,kahit mahirap na makalusot sa check point puntang Kabangkalan ngunit nagawan nila ng paraàn kung paano makalusott sa mga sundalo na nakaharang.

"Patay tayo dyan!"

"Bakit?!"

"mga sundalo,grupo ni Medrano!"

Biglang dumungaw ng bintana si Max,nakita mya na may sundalongpapalapit sa kanila.Agad na nag panic si Ka nonoy ngunit pinagalitan ni Max dahil mahahalata sila.

"Kalma lang! Pag sinabi kong patakbohin mo ang sasakyan,mag drive ka lang. Ako bahala!"

"Pero boss,Marami sila! Tayo iilan lang."

"Kaya natin sila! Mag drive ka lang ng deritso.!"

Nakailang beses ng kumatok si LT. Medrano ngunit di parin binuksan ang binata ng bigla nyang pinukpok ang salamin agad naman nag paputok si Max at sabay takbo ng sasakyan. Nakita nilang tumilapon si Axel dahil agad ito naka talon,sa inis ng binata agad nya kinuha ang (UZI) agad na hinabol ang mga kalaban.

"Anak ng puta! Talon ka Nonoy!!"

Sigaw ni Max at binuksana ang pintuan ng sasakyan sabay silang tumalon ng biglang sumabog ang sasakyan! Di pa nakuntento si Axel nilapitan nya ang sumabog na sasakyan at pinag baril ang paligid na nag baka sa kali na buhay pa ang nakasakay sasakyan ng biglang may narinig syang kaluskos at napaligon sya.

"Pssssttt....Ka Nonoy,tiisin mo ang sakit kapwa tayo matitimbog kung mag mahalata nyang buhay tayo."

Dahil sa malalim ang tama ni ka Nonoy sa tagiliran,walang tigil ang patak ng dugo at biglang namutla ang matanda na agad naman sinaklolohan ni Max. Hinubad nya ang damit at pinang tali sa sugat ng tauhan nya.Hinintay nila na gumabi at umalis ang mga sundalo para maiuwi si Ka Nonoy na hinang -hina na.

"Boss,ano nangyari sa tatay ko!"

"Marge,relax lang!mag papaliwanag ako. Sa ngayon samahan mo ako."

TRIPLETS BY: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon