CHAPTER 17:

742 27 0
                                    

 

Agad na pinauwi ni Edwardo ang asawa at si Marge habang inaayos nya ang gulo na ginawa ng kaibigan,kailangan na mahuli ito dahil wanted ito sa pilipinas ,di dapat ito naka apak sa (us).

"Ano po ang gagawin ninyo?!"

Kailangan kung pumunta ng military camp dito,kailangan na maireport sya para maibalik sa pilipinas.

"What about me?! Isa rin ako sa kanila!."

"Hayaan mong ako ang mag tatama ng mali mo anak, di kita ikakahiya kung sakaling ipakulong kita kung may batas kang nilabag.

Kibit balikat lang na sumunod si Max sa ama, simula pa naman noon ng dududa na sya na ama nya si General Valenzuela dahil marami silang pag kakaiba. Hinding -hindi magkadugtong ang ugat ng puso nila ,tulad ngayon sa naradamdaman nya para sa tunay na ama.

"Bakit nak?!"

"Wala po ,tara na baka makalayo pa ang hinahabol natin."

Agad na nakipag ugnayan si Edwardo sa mga military sa (us), dahil minsan na sya nakisalamuha sa mga iyon kaya madali syang nakilala at agad naman na tumulong ang mga kaibigan kaya agad na wanted ang mukha ni ni General Valenzuela, pati sa news papers ay naka balandra ang mukha nya na kinagulat nya mismo ng nakita ang mukha nya.

"Ahhhhh!!anak ng kamote! Mag babayad ka sa ginawa mo Edwardo!"

Galit na nag wala ang matanda at nanlusi ang mga mata nya sa galit at naalala nga na baka makilala sta ng hotel staff kaya nag madali syng nag impaki para makaalis. Dahil sa lumabas na mga balita usap-usapan ng boung staff ang tungkol sa kanilang custumer .Agad sila tumawag ng pulis para hulihin ang taong wanted na nasa loob ng horel nila. Ngunit wala ng tao sa room kung saan naka check in ang hinahanap nila.

"Imposible na naalis sya ng di namin namalayan."

Sabi ng General manager ng hotel agad na pumunta sa cumputer room para tingnan kung nakalabas nga ang hinahanap nila, agad na nanlumo ang mag ama sa nakita na nakalabas ng hotel su General Valenzuela at di na nila alam kung saan p umunta.

"Dad,sila mommy?!"

Agad na tumakbo pauwi ang mag ama, Samantala tapos nang mag impaki si Marge at si Mrs Medrano ng hinihingal na dumating ang mag ama.

"Bakit? Para kayong hinahabol ng sampung kabayo!"

"Wala,ready na ba kayo?!"

Dahil di mapakali si Marge sa pag mumukha ng mag ama hinila nya si Max sa kusina at doon tinanong nya kung anong nangyari,agad naman na sinabi ng binata at nakiusap na wag sabihin sa mommy nya dahil atakihin ang ina.

"Hindi tatahimik ang buhay ninyo kung hindi ikaw ang haharap sa kanya,bata palang tayo malaki na ang tiwala nya na ikaw ang sisira sa iyon ama,ngayong nag kita na kayo at tinanggap mo sya yun ay isang kataksilan para sa kanya."

"Ibig mong sabihin,pinalaki nya ako para gawing kreminal sa sarili kung pamilya?!

Kindat lang ang sinagot ni Marge dahil parating ang ina ng binata , ayaw nya na mag alala ito sa mga nangyayari.

"Ready na po ba kayo?!"

Tanong ni Max sa ina na tila walang nangyayari, nagulat nalang ito nang may nakita silang mga military sa labas ng bahay na kasama ang ama.

"Marge,Max ano ang nangyayari?!"

"Safety reason lang po mom ,may mga kalaban sa paligid kahit saan. Kaya maganda nang nag iingat."

Di na kumibo ang marandang babae hanggat nakarating silà sa airport na kasama ang escort nila. Dahil sa balita na kumakalat lalong humigpit ang lahat na airport at mg imigration habang hinahanap si General Valenzuela. Dahil bantay sarado ang pamilya Medrano hindi na sya nakalapit kay Max,tanaw nya ito mula sa malayo at nang gigil sya dahil naka akbay dito ang ama.

TRIPLETS BY: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon