CHAPTER 15:

728 30 0
                                    

 

DAHIL sa pagkawala ng mga magulang ni Kianna,naging masigasig ang dalaga hinanap nya ang dalawang matanda saan man lupalop ito dinala. Pina kilos na rin ni General Makaspak ang mga asit nya para madali makita ang magulang ng dalaga.Samantala si Kienna,ng gigil kay General Valenzuela dahil ito lang ang alam nyang may kagagàwan sa nangyari.

"Anak , kalma lang di natin makuha ito sa dahas. Pag planuhan natin alam kung bawat galaw natin ay nakamonitor na,tuso ang kaibigan ko nayun. Hindi marunong makipag away ng patas."

"Dad walang malay ang mga magulang ko,di nya dapat gawin yun."

"Si Digna at Fernando ang huling alas nya para mapasuko ang isa sa atin. Tulad ng ginawa nya sa inyong tatlo. Plano nya na kumuha ng isang Medrano pinalaki at tinuruan ng dahas para sa huli dugo ko ang sisisira sa sarili kong pangalan at repotasyon ko."

Kapwa napatigin ang magkapatid sa ama,alam nila pareho na naging matunog ang pangalan ng ama dahil sa mga kabutihan ginawa nya at tapat sa trabaho.

"Walang sino man ang makakàsira sayo General."

Sabay na wika ng kambal at kapwa galit dahil sa nangyari.Samantala halos naiihi na ang mag asawa sa ginawang parusa sa kanila ng mga tao na kumuha sa kanila at pag dating ni General Valenzuela dinuraan ang dalawang matanda na halos gumapang na sa sakit ng biglang inabot nito ang mobilevkay Digna.

"Kausapin mo ang anak mo,sabihin mo sa kanya na kunin nya kayo dito ngayon na!"

Ika ng walang awa na General,tinadyakan ang matanda na muntik ng madapa sa lakas ng tadyak.

"Na....nay? Saan po kayo bakit ganyan ang boses mo?!"

Tanong ni Kianna sa init na tumutulo ang luha, alam nyang sinasaktan ang mga magulang nya kaya napa kagat sya ng labi sa galit habang nakikinig sa sigaw ni aling Digna at namura nya ang tao na may hawak sa ina.

"Hayop ka,ako ang harapin mo hindi ang taong walang kalaban -laban sayo, demonyo ka!"

"Col. Kianna Katindig! Alyas (Lily Medrano)!Ang akala ko noon,nilapa kana ng malalaking hayop sa gubat! Yun pala may tanga na mga matatanda ang nakita syo! Ang swerte ninyong mag kapatid,biruin mo pilit ko kayo pinaghiwalay yun pala mag kita -kita din kayo.!"

"Duwag ka! Dahil mga taong walang ka laban -laban ang dinadamay mo,ako ang kailangan mo diba!"

"Tumpak! Ikaw nga kaya kung gusto mo makitang buhay ang mga magulang mong hilaw,kunin mo sila sa bundok kung saan ko sasabihin."

" Nakahanda ako General,sabihin mo lang darating ako!"

"Hahahah!,mana kana nga sa ama mo! Walang inuurungan kahit na ibala sa kanyon!"

"Duwag lang ang umuurong at ikaw yun!"

Nakinig ng mabuti ang dalaga sa sinabi ni General Valenzuela,at pinag aralan ng dalaga ang lugar kung saan nya makukuha ang mga magulang. Nakiusap sya sya sa kapatid at ama na huwag syang sundan,dahil nasa peligro ang buhay ngbmga magulang nya.

"Anak,ako na ng pupunta,ako ang kailangan nya,bata kapa malayo pa ang marating ninyong magkapatid."

"Dad?!"

"Tulad ng sabi ko,traidor sya di sya marunog sumunod sa usapan ako na ang bahala sa mga magulang mo!"

Kapwa naguluhan ang magkapatid at pinag isipan nila ang sinabi ng ama,at nila naintindihan na hindi matapos ang gulo hanggat di magkaharap nag datibg magkaibigan na mahigpit na magkalaban. Punayagn nila ang ama ngunit lingid sa kaalaman niti naka munitor ang lahat na kilos hanggat sa makaratung sa lugar kung saan naroon ang mga magulang ni Kianna.

TRIPLETS BY: BLOODYHEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon