DAHIL SA NAKITA NI MARGE,lihim nyang sinubaybayan ang kilos ni Max,di mawala sa isip nya ang nakita ng mag kainkwentro ang dalawa."Mayroon kaugnayan ang dalawa na nahirapan silang alam kung ano! Ako ang hahanap Max!Sana mali lang ako sa iniisip ko na kambal kayong dalawa.Sana mali din ang iniisip ko na isa kang Medrano Max."
Nasa malalim na pag iisip su Marge ng dumating si Max,lingid sa kaalam ng binata na sumunod ito sa inkwentro kanina.
"Ano nang yari?!"
Tanong ng dalaga at tiningnan ang sugatang braso ng binata,at napa sigaw ito sa sakit ng hinila ng dalaga.
"Dahan -dahan lang Ano ba!"
"Boss naman,parang di ka lalaki sa inaasal mo!"
Tahimik su Max habang ginagamot ang sugat nya at nakatingin sya sa mga kasamhan na sugatin din at ang pamilya ng mga tauhan nya na nag luluksa,hindi nya alam kung bakit ganon nalang ang naramdaman nyang wa sa mga ito.Naisip nya ang ama na kung pumatay ng tao,walang awa at parang kumakatay lang ng manok kung pumatay.
"Boss,lagi mong tandaan,ang ang mabuting puno kung mamunga ay kabutihan,kahit na ihalo mo ito sa bulok at masamang puno,mangingibabaw ang tunay na kabutihan sa puso nya."
"What do you mean,?"
"Alam kung may pinag aralan ka boss,alam kung isa ka rin alagad ng batas,katulad ng mga nakaaban mo,kaya alam mo ang ibig kung sabihin."
Napakamot ng batok si Max,at masakit na tinitigan si Marge na tumalikod sa kanya.Inisip nya ang sinabi ng dalaga ngunit inalis nya rin ito sa isipan nya.Kinabukasan,maaga na bumaba si Marge sa bayan para makasagap ng balita dahil sa naganap na inkwentro kagabi.Bumili rin sya ng mga suply nila sa bundok ng biglang na bangga sya ni LT.Medrano na nag mamadali ito dahil may kausap.
"Sorry Miss,di ko sinasadya."
Ika ng binata at inabot sa dalaga ang mga pinamili nito na nalaglag.At dahil may kausap ang binata tumayo ito sa di kalayuan at dinig na dinig ni Marge ang sinasabi ni LT.Medrano na kung di sya nagkamali,kausap nito ang ama.
"Dad,di ko naman sinasadya na makita ang lalaki nayun!!Ang pinagtataka ko labg bakit mag kamukha kami!nakikita ko ang sarili ko sa kanya dad!"
Galak ang tuwa ang narmdaman ni General Medrano kahit papaano ay nabuhayn sya ng loob ng nalaman na buhay ang isa sa triplets nya.
"Anak bukas na bukas din,pupuntahn ko ang hospital kung saan kayo pinanganak,hahanap ko ng palatandaan ninyong tatlo,at kung wala,mapipilitan tayong mag pa (DNA) kayo."
"Sige po dad,fallow up mo lang habang nandito pa ako,"
"Anak sino ba ng ama nya?!"
"Si General Valenzuela,ang General na mahirap mahuli ng buhay,pero malapit na dad!"
Gulat ang matanda sa narinig,dahil sa pag kakaalam nya na walang asawa ang matalik na kaibigan,dahil isa lang ang babaeng minahal nito. Malalim na napaisip ang matanda at di sya mapalagay kaya inayos nya ang dapat ayusin.Samantala si Kianna,halos nag mananakal na ng tao dahil di nya mahanap ang binata na nasa misyon nya, kung saan-saan nya hinanap ang binata at nawala na sya sa sarili nya,ng biglang may nabangga syang matanda at natisod ito.
"Sir sorry po!,di kita nakita!"
Hingi paumanhin ng dalaga at sa gulat ni General Medrano,walang kurap syang nakatitig sa mukha ng dalaga,dahil girl version ito ni Axel .
"Sir bakit po?!"
"Napakaganda mo iha,pero bakit nakasimangot ka!"
"Ahh,ako nga pala si Col.Kianna Katindig! "

BINABASA MO ANG
TRIPLETS BY: BLOODYHEART
AksiTatlong tao na pinaglayo ng trahedya at pinagtagpo ng pakakataon sa hindi inaasahang pangyayari. 2nd LT. Axel Medrano Commanding officer na pinadala sa Negros para pigilin ang mga di magandang ginagawa ng mga rebelde. Col. Khianna Katindig Mabagsik...