Werewolves

51 5 2
                                    

Her POV:

"We're wolves. YOU can't fall in love with someone who's not like us especially the VAMPIRES. At kapag may nalaman ulit ako na may lumabag sa aking mga utos, alam nyo na ang parusa. KAMATAYAN. Naiintindihan nyo?"

"Awoooo" sagot ng mga lobo.

"Artemis ano nangyari? Bakit nagpatawag ang aking ama ng isang pagpupulong?" Tanong ko sa aking pinsan.

"Nako di mo ba alam? May pinarusahan na naman ng iyong ama dahil may lumabag na naman ng ika-limang na utos."

"Ganoon ba? Lagi na lamang may napaparusahan dahil sa utos na iyan."

Madaming nahuhulog sa mga patibong ng mga bampira. Sila ay mapanlinlang, Hinuhulog ka nila sakanilang patibong para ikaw ay maparusahan. Ginagawa nila yun simula noong may nakaalam na isang bampira tungkol sa utos ng aming pinuno/aking ama

Bakit nila yun ginagawa? Dahil magkalaban ang mga bampira at mga lobo. Kami ngayon ang nangunguna sa ranko dahil natalo namin sila noong 'bloody night'

AN: bloody night - isinasagawa ito tuwing friday the 13th kung saan ang mga iba't ibang uri ng mga hayop ay naglalaban. At kung sino ang manalo ang sila ang nasa unang ranko; sila ang mamumuno sa buong mundo.

At tulad din namin, mayroon din silang mga kapangyarihan at namumuhay din sila katulad ng mga normal na tao

Ilang sandali lang at natapos na ang aming pagpupulong kaya naman kaming pamilya ay bumalik na saaming mga tirahan.

Mga lobo man kami ngunit nakatira din kami sa isang bahay. At katulad ng mga normal na tao, kami ay naglilibot din sa mga mall at nag aaral din sa skwelahan.

May mga rules kami dito sa pagiging werewolves:
1. Bawal ipaalam sa mga normal na tao ang pagiging werewolf mo.
2. Bawal gamitin ang kakayahan mo  kung di naman importante ang gagawin.
3. Sinasanay kami upang makapag handa sa bloody night at sa pagsasanay, bawal kang lumiban.
4.Bawal makipag kaibigan sa mga vampires.
5.At kung bawal makipag kaibigan, syempre bawal ka umibig sa isang vampire.

Yan ang limang utos saamin ng aking ama na si Zeus. At gaya nga ng sabi nya, ang parusa sa paglabag ng kaniyang utos ay kamatayan.

Pumunta ako sa aking tambayan. At may nakita akong........

By the way I'm Mnemosyne.

Two Different Worlds [[ ON HOLD ]] Where stories live. Discover now