Act Like You Love Me

39 1 0
                                    

"If I say I love you, will you love me again?"

"I'll thought it's clear to you Finlee."

"I'm sorry,"

Nakita ko syang ngumiti at umiling. Like she always do. "Nah, it's okay. You should be happy right? Because after everything. We're here, nasa tamang tao na tayo na magmamahal sa atin ng totoo."

"But still, sorry."

Ngumiti ito tsaka hinawakan ang kamay ko, "Can I ask you?"

"S-sure..."

"You're still inlove with me?" tanong nya na kaagad naman na kinagulat ko. "Am I right? Look, hindi naman ako nag-aasume pero—" Pero tama naman sya. I'm still inlove with her. Kaya marahan akong tumango dahilan para matigilan sya. "Why?"

"I don't know. Akala ko noon mas mahal ko na si Jessa kesa sayo. Pero hindi pa'ren pala, ikaw pa'ren pala talaga. Ikaw pa'ren talaga Irish."

"Uh, baka nalilito ka lang. Try to think of it. Hindi mo naman magugustuhan si Jessa kung hindi mo sya mahal diba? At hindi mo naman magagawa sa akin ang mga bagay na iyon kung minahal mo nga talaga ako." napatitig ako sa kanyan, grabe. Ibang iba na sya. Ibang iba na syang magsalita, napaka-banayad at malamlam. "Finlee, may nagustuhan ka noon kay Jessa na wala sa'kin, kaya mahalin mo ulit yung nagustuhan mo sa kanya. Tsaka isa pa. Matagal na nangyari iyon it's been few years simula nung mag-kahiwalay tayo. Umalis na ako sa bansa natin para iwan dito ang mga memories natin. I'm trying to make a new one with Jacob." Nakangiti nitong sambit tsaka bahagyang tumawa, "It's ironic na yung binuo natin pangarap noon ay tinupad na natin sa ibang tao. I remembered na pareho natin gustong mawala sa Europe. Ngayon nagawa ko na yun with Jacob, yung gusto natin mag-wish sa unang sikat ng araw sa great wall of China nang unang taon nagawa ko na yun with Jacob. Yung puntahan natin ang Namsan Tower naputahan ko na yun with Jacob at last yung pangarap nating panoorin ang mga stars tuwing gabi nang monthsary natin. Nagagawa ko na ren yun with Jacob." Nakangiti nitong kwento at alam sa sarili ko na walang wala na ako sa buhay. She is making new one, a brand new life without me. And she looks happier.

"You really moved on right?"

"Complety moved on." nakangiti nitong sambit. "I hope maging masaya ka. Kahit wag na sa akin, kay Jessa na lang kasi sya yung dapat. Yung happily ever after natin. Please gawin pa'ren natin iyon... sa ibang tao na nga lang."

Huminga muna ako ng malalim.

"It's been eight years nang umalis ka dito sa Pilipinas, and now you're back. Alam ko nakalimutan mo na ako. Pero ako hindi pa'ren, noon ko lang nakita ang halaga mo nung umalis ka at magkahiwalay tayo," Para akong batang inaalala lahat ng mga kapalpakan ko noon, at kamalian na kailan man ay hindi na maitatama pa. "Nung gusto kong mag-selos sa inyo ni Jacob, hindi ko magawa dahil wala na akong karapatan. And I know from the very start nung tumakbo ka na paalis sa akin ay nawala kana sa mga kamay ko..."

Again she smiled, "Finlee, please stop  reminiscing them all. Just put them aside and make a new one, make a memories, a memories with your wife..."

"Siguro nga kailangan ko na silang palitan. Pero kahit kailan hindi ko sila kalilimutan." ngumiti naman sya at tumango nalang. "So ano nga pala ang ibibigay mo sa akin?"

Meron naman syang kinuha sa bag nya at inabot sa akin ito... ayaw kong tanggapin dahil alam ko kung ano ang laman nito at tungkol saan ito.

"Please..." ngumiti nalang ako bago ito tanggapin.

I immediately open it, and their I saw Jacob and Irish pictures together.

Mr. Jacob Fajardo and Ms. Irishine Davids

Joyfully invite you to share in their happiness as they unite in marriage.

-

Act Like You Love MeWhere stories live. Discover now