Act Like You Love Me

89 1 0
                                    

"Babe! Ugh babe. Pwede ba tigilin mo muna yang ginagawa mo!" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon tsaka muling tumingin sa mga ginagawa ko. "Babe! Ano ba! I said let's go! Let's have some fun!" mataray na sambit nya bago pina-ikot ang mga mata nya sa akin.

Napapailing nalang akong niligpit ang mga gamit ko. "Okay," walang ganang sagot ko.

Ewan ko ba. Simula nung mag-break kami ni Irish ay nawalan na ren ako ng gana sa mga ibang babae, gusto ko sya lang. Gusto ko sya lang yung babae sa buhay ko... but that was before, simula nung iwan  ko sya, alam ko sa sarili kong... wala na akong karapatan na makita ulit sya.

Nagulat nalang ako nang padabog na sinipa ni Jessa yung trash bin sa gilid ng kwarto ko. Tsk.

"Let's go!" Padabog pa nitong sinara ang pintuan ng kwarto ko.

Ibang iba talaga si Irish sa lahat, kaya nyang maghintay sa akin ng kahit gaano katagal, kaya nyang mag-pasensya sa akin kahit na gaano ako kawalang kwenta.

Nang makarating na kami sa bar nila Claide ay agad na kaming pumasok sa VIP room sa taas.

"Dre nandito ka pala!" Salubong sa amin ni Claide nang pumasok sya sa kwarto habang si Jessa naman ay umiinom na nang scoth. Tsk. "Oh, Nandito pala sya?" Tukoy nya kay Jessa. Ngumiti lang ako ng tipid.

Tatlong buwan na ren pala nung mag-break kami ni Irish. Pero sa loob ng tatlong buwan na yun, sya nalang lagi ang hinahanap hanap ko.

"Finlee!" napatingin naman ako sa kararating lang na si Jacob. Hindi na ako nagulat pa na nandito na ren sya, malamang tinawagan sya ni Claide.

"Oh Jacob! Long time no see." nakangiting salubong ko sa kanya. Ngumiti muna ito sa akin bago umupo.

Busy na kasi sya course nyang Architecture.

"Uhm, Fin?" Tawag nito sa pangalan ko habang nakatingin lang sa akin ng seryoso.

"Ano yun?"

"Naks! Seryosong usapan ah!" Masayang sabat ni Terrence na kararating lang den. "Hi mga Jologs! Hahaha!" Bati nito bago umupo. "Anong ganap? Mga jogsjogs!" Nakangiti nitong sambit.

"Psh, ang ingay mo!" Saway sa kanya ni Jessa na ngayon ay umiikot na naman ang mga mata.

"Malamang nasa bar tayo! Magtaka ka kung ang tahimik nito!" Sarkastikong pambara ni Terrence.

"I'm referring to you jerk! I'm not saying itong bar ang maingay! Ikaw ang maingay!" Inis na sigaw ni Jessa.

"Aba puta! Maingay daw ako! Magdiwang dahil totoo yan! Hahaha!"

"Psh, jerk!" Sambit ni Jessa bago umalis sa pwesto nya at bumaba.

"So, Jacob anong sasabihin mo?" Para bang napipi na sya sa kinakatayuan nya.

"Ah, kilala mo naman siguro si Irish right?"  Sambit nito sa kalmadong boses. Nang muling marinig ko ang pangalan nya ay para bang nanigas ako sa kinakatayuan ko. Hindi ko alam pero... hindi maganda ang pakiramdam ko sa sasabihin nya.

"I'm courting her."

Act Like You Love MeWhere stories live. Discover now