Three months rule. Totoo nga siguro yan. Yung three months kapag nalagpasan mo ay makakalimutan mo na ang isang tao.
"Hi!" Bati nya sa akin ng makasalubong ko sya sa hallway nang school namin.
Naglalaro na naman ba si tadhana at pinag-tripan na naman kami? Noon naman ay halos hindi kami mag-kita sa school na ito dahil iniiwasan nya ako at iniiwasan ko ren sya.
Pero ngayon heto at nakasalubong ko pa sya.
"Hello," bati ko ren sa kanya.
"Uh, pwede ba tayong mag-usap?" Nagulat pa ako ng tanungin nya ako.
Gusto ko mag-tatalon sa tuwa! Dahil kung ako ang tatanungin malamang hinding hindi ko iyon matatanong sa kanya. Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya noon? I don't think kung saan pa ako kukuha ng kapal ng mukha.
"S-sure thing,"
-
"Ma'am! Sir! Long time no see ah!" Bati sa akin ng isang crew ng coffee shop sa tapat nang school namin. Dito kami madalas mag-kita at mag-kape noon. Kaya kilalang kilala nila kami.
"Uh," tango lang ang sinagot ni irish bago ngumiti.
"Dalawa---"
"Dalawang cappochino with chocolate syrup on top of it." masiglang sambit nung crew sa amin. "Yung dati pa'ren po no?"
"Nope," sabay kaming napatingin kay Irish na ngayon ay nakapangalumbaba na. "I prefer caramel macchiato with caramel syrup please."
Napatingin nalang sa akin yung crew bago kinamot ang kilay nya, "Ah, Sir yung sayo po?"
"Uh, cappochino with chocolate syrup."
Ngumiti muna ang crew sa amin bago umalis.
"Hanggang ngayon yun pa'ren?" Alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.
Bahagya akong ngumiti at tumango, "Nakasanayan na."
"Akala ko bang nakakasawa nalang ang paulit ulit?" Tanong nito.
"Kahit nakakasawa nalang ang paulit ulit, kapag nag-iba ka ng kape hahanap hanapin mo pa'ren naman yung nakasanayan mo."
"Pero bakit kailangan mag-palit pa kung iyon pa'ren naman pala ang gusto mo?"
"Siguro kailangan mo lang magpahinga, kasi kung araw araw. Magsasawa ka talaga."
"I don't get you. Akala ko dahil nag-sasawa ka na ay papalitan mo na ito, pero hindi mo naman pinalitan."
"Siguro pinalitan ko ito, but come to think of it. Kung iyon na talaga ang nakasanyan mo you think mapapalitan mo pa ito? Hindi na. Dahil yung gusto mo na talaga ang hahanap hanapin mo, magpalit ka'man ng iba, yung usual pa'ren ang babalik balikan mo."
-
Pagkatapos namin mag-usap sa coffee shop ay hindi na ulit kami nag-kita. One month to go at gagraduate na kami. Sya sa Certified Public Accountant, habang ako ay Engineering at si Jessa naman ay Tourism.
Umupo muna ako sa mga bench dito sa garden ng school namin ng makita ko si Irish at Jacob na sabay na naglalakad... habang mag-kahawak kamay.
Masakit. Hindi ko pa'ren sya makalimutan samantalang sya nakita na nya ang taong gusto nyang mahalin ng totoo. Akala ko noong mag-break kami ay agad agad ko syang makakalimutan pero hindi. Dahil ang buong akala ko ay mas mahal ko na si Jessa kesa sa kanya.
Pero nag-kamali ako, mas mahal ko talaga sya.
Iba sya sa lahat, naalala ko nung gabing nakita nya kaming dalawa ni Jessa na naghahalikan sa parking lot ng school namin. Nagbulag bulag sya nag-kunwari syang walang nakita, hanggang sa maulit nang maulit ang pangyayaring iyon. Madalas nya kaming makitang magkasabay. Mas madalas ko pa nga'ng makasama si Jessa kesa sa kanyan.
Pero wala akong narinig na kahit na anong salita galing sa kanya.
Dear Finnlee,
Alam ko ayaw mo na sa akin. Sorry ha? Kung pinagsisik sikan ko pa'ren ang sarili ko sayo. Mahal kasi kita, gusto ko bago ako sumuko alam ko sa sarili kong pinag-laban kita hanggang sa makakaya ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko kailangan manghinayang dahil alam ko lumaban ako... kaso masakit na, e. Sobra na, ayaw na. Pagod na ako. Ayaw na ng puso ko, e. Sirang sira na. Mahal mo si Jessa diba? Sana wag mo na syang pakawalan. Alam ko ren na naka arranged marriage na kayo. Kaya sorry kung sinisiksik ko pa ang sarili ko. Promise. Titigil na ako last na to. Mahal na mahal kita...
-Irish.
Naalala ko na naman ang sulat nya. Sinulat nya pa ito sa likod ng notebook ko noon. Alam nya kasing hindi ko binabasa ang mga sulat na pinapadala nya sa akin.
Oo naging tanga ako noon.
Pero kahit na gustong gusto ko na syang bawiin ngayon hindi ko na magawa dahil nandyan na si Jacob at alam ko sa sarili kong kahit kailan hinding hindi sasaktan ni Jacob si Irish dahil mahal nya ito.
Si Irish sya yung tipo ng babaeng mamahalin ko hanggang sa pagtanda ko. Pero sinayang ko sya, ngayon ay nagsisi ako. Nandun na ako sa taong totoong nag-mamahal sa akin... iniwan ko pa.
Maraming iba dyan pero iba sya. Ibang iba sya, makakilala man ako ng iba, makakita man ako ng iba. Sya pa ren. Syang sya pa'ren... hanggang sa dulo.