Chapter 2

4 0 0
                                    

Nagstart klase namin nong June 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagstart klase namin nong June 10.

First week nang pasukan halos wala pang matinong klase, marami pa kasing humahabol magpaenroll. Kaya ang ginagawa namin ni Aika, nagpupunta kaming ID room kong saan may kakilala kami don at nakikigulo sakanila. Madami pang nagpapa ID picture.

May time nga na natatawa talaga ako at hindi ko nakayanan, nainis yong babae kaya yon pinaalis tuloy kami. Eh kasi naman hindi ko mapigilan tumawa, yong nagpapapicture kasalanan niya hahaha. Hindi naman sa nagmamaganda pero okay, tama na. hihihi.

June 20, 2013. Thursday.

Buti naman at nong Monday nagstart na klase, naiinspire ako pumasok, Monday hanggang ngayong huwebes hindi pa ako nale-late. Good for me.

Nasa canteen kami ngayon. Kasama si Aika.

Aika: Oh eto juice.

Inabot ko ung pinabili kong juice.

Ako: ayos ka rin no.

Aika: bakit?

Tumingin lang ako sakanya.

Ako: wala lang hahaha.

Aika: baliw, hahaha.

Boring ngayon. Mamaya pang 1pm kasi ulit klase namin. Mainit sa labas, ayuko naman gumala gala, kaya andito na lang kami ni Aika. Para naman hindi kami mas lalong maboring dito, tinanung ko na lang siya.

Ako: bat wala kang bf?

Tinanung ko siya kasi dati todo iwas siya kapag gusto kong malaman kong anong kwento nang pag-ibig niya. Pero sadyang mailap itong ating dilag.

Aika: sige na nga, ilang buwan ko ding iniiwasan na mapagusapan yan eh.

Napangitin ako sakanya at ngumiti, kasi FINALLY, mag oopen na din siya sakin, siguro pinagkakatiwalaan na niya ako.

Aika: ganito kasi yan. Galing ako sa broken family. At dahil don ayuko matulad kaya umiiwas ako sa mga lalaki. End of story.

Ako: grabe ka naman magkwento, wala man lang ka effort effort. Teka, ilan ba kayong magkakapatid?

Aika: Lima kami, ako ang pangatlo, ung dalawang nauna sakin, parehas na babae, maaga silang nag-asawa, kaya todo ang galit ni mama sakanila.

Nakatingin lang ako kay Aika, nakakaramdam tuloy ako nang awa sakanya, kaya ganun na lang pala siya kadesidido na mag-aral mabuti.

Aika: Swerte mo nga eh kasi kompleto kayo (ngumiti siya sakin)

Ako: hindi rin, malayo kasi sila sakin. (malungkot kong sabi)

Aika: Pero kompleto pa rin. Si papa kasi may sarili na rin siyang pamilya, may isa silang anak sa pangalawa nitong asawa. Si mama naman, nagtitinda lang siya nang mga gulay. Minsan madaming nabebenta, minsan kaunti. Kaya ako, tumutulong na lang. Nung summer kaya hindi ako pumapayag na sumama sayo sa swimming kasi sayang din yong kikitain ko sa paglalaba. May nagpapa-aral naman sakin at nagbibigay naman nang sustento si papa kaso kulang parin eh.

Sawi Porebs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon