Chapter 4

2 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


October 15. Tuesday.

Wala kaming klase ngayon, may ginaganap na program sa Gym, kong ano man yon hindi ko alam kasi WALA AKONG PAKE HAHAHAH.

Nasa sulok lang ako nang room nang biglang dumating si Aika, kasama si Daisy.

Yong pag entrance nila para silang mga agent na sawakas eh NAHANAP na yong target nila. I was like . .

Ako: O_o

Nasa harapan ko sila ngayon at nakaharap sakin na nakapameywang pa. eh? What's going on??

Aika at Daisy: SUMAMA KA SAMIN! NGAYON NA!!!

Daisy nasa kaliwa ko at si Aika nasa kanan ko.

Kinaladkad ako nang dalawa, wala na akong nagawa. Pinagtitinginan na nga kami nang ibang studyante. Nakita din ako ni Lily. Ngumiti lang ako sa kanya at nakatingin lang siya sakin na nagtataka. Kasama niya mga classmates niya. Basta madami sila, naka PE uniform.

Nalagpasan na namin ang canteen pero heto, hawak hawak pa rin nila ako! T-T ano bang kasalanan ko? Naiinis na ko at nahihiya kaya nagpupumiglas ako.

Ako: nasasaktan nako!

Daisy: masasaktan ka kapag hindi ka tumahimik diyan!

Patuloy lang kami sa paglalakad.

Ako: ano ba kasing problema niyo ha?

Hindi niya ako pinansin, patuloy lang sila sa pagkaka-ladkad sakin palabas nang gate.

Sa pagtawid namin nang pedestrian lane natakot ako kasi ba naman tuloy tuloy lang sila sa paglalakad, parang si asiong salongga lang ang peg na parang sakanila ang lugar na 'to. May mga nagsigawan kasi ba naman, muntikan na kaming masagasaan buti na lang at mala agent tong dalawang 'to. Mabilis ang galawan.

Pinakawalan lang nila ako nang nakarating na kami sa isang kubo na pwedeng rentahan nang magbabarkada. Si Aika nakabantay sakin habang yong isa naman bumili nang makakain namin.

Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko si Aika na tahimik lang nagbabantay sakin.

Ako: ano ba kasing ginagawa natin dito?

Tanong ko habang tinitignan yong ibang studyante na dumadaan sa harap nang kubo.

Aika: siya na lang tanungin mo. (turo sa isang kasama namin)

Sinundan ko nang tingin kong saan siya nakaturo, nakita ko padating si Daisy dala ang tatlong c2 solo at tatlong Nova. ANO BA KASING NANGYAYARE SA DALAWANG 'to?

Umupo na si Daisy. Nilagay niya sa harapan namin ni Aika yong dalawang c2 at dalawang Nova. Kinuha ko yong nova, total gutom naman na ko eh.. Si Daisy nag-aayos nang buhok. Si Aika naman inaayos yong kurtina nang kubo.

Sawi Porebs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon