Chapter 5

4 0 0
                                    

November 29, 2013

*sa bus*

Daisy: Hoy, kakausapin mo ko o mapapanis yang laway mo. Nakatulala ka nanaman diyan!

Ako: (nakatingin lang sa bintana nang bus)

Daisy: Si Philip nanaman ba?

Hindi ko siya pinapansin.... Ayuko na maalala ang lahat. NAIINIS AKO!! AYUKO NANG KAUSAP!

Daisy: oy, pag gusto mo nang kausap, nandito lang ako ha. (tapik sa balikat ko)

PAMASAHE LANG PO! Pakihanda na lang. SALAMAT. - Konduktor.

After 1 hour na biyahe. Nakauwi na rin ako. Hindi ko man lang kinausap si Daisy. Kong pwede lang kasi ayuko na siya pag-usapan.

*sa bahay*

Pagpasok ko, si Tita agad sumalubong sakin. Napayakap na lang tuloy ako sakanya. Ilang araw na din kasi akong ganito. Siguro ay kailangan ko na din nang makaka-usap. Hindi ko na kasi kaya ang sakit. Para akong bata ngayon na inagawan nang candy!

Tita: Ju..Juergen. May problema ka ba?

Alam ko na nabigla si Tita sa pagkaka-yakap ko sakanya, hindi ko naman kasi 'to Gawain. Ngayon lang nangyari.

Ako: Ang sakit po kasi (pumatak na yong luha ko)

Pinapasok na muna niya ako sa loob, at pinaupo ako sa sala. Kumuha siya nang ice cream, alam niya kasi na ice cream ang magpapatigil sakin sa pag-iyak at pagsusungit ko.

Kinausap ako ni Tita. Habang ako iyak nang iyak. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na WALA na si Phil sa buhay ko.

Sinabi sakin ni Tita na kumain ako nang ice cream baka sakaling guminhawa pakiramdam ko, sinunod ko naman. MASUNURIN eh.

Tita: Wag mo na siyang iyakan! Yong manglulukong yon!

Ako: hindi naman po kasi kadali yong sinasabi niyo na kalimutan siya agad-agad eh. (kain nang ice cream) Madami din po kasi akong memories sakanya, simula nong sinagot ko siya todo yong suporta niya sakin, sa pag-aaral ko. (punas nang luha) Tinuturing niya talaga akong prinsesa pero yong akala ko na yon eh palabas lang pala at hindi ko namamalayan malapit na palang mag-expired. Parang load lang ba. Hindi ako prepared Tita. Huhuhuhu. (napaiyak ulit ako)

Tita: VARSITY PLAYER yong pinatulan mo, malamang chickboy yon ano kaba. Mabenta yon sa mga chix, at madali siya maka-akit dahil na rin sa napili niyang sports. Matalino siya, magaling magbasketball, yon nga lang MANLOLOKO!

Sobra yong galit niya kay Phil, kasi sa ginawa niya sakin. Pero ang mas masakit daw eh yong hindi ko pagsabi sakanya, kay Daisy pa niya nalaman. Pero hindi naman na niya ako pinagalitan instead gumawa pa siya nang paraan para lang maging masaya ulit ako.

Tita: Masiyado mo kasing Binigay lahat nang attention mo sakanya, hindi ka man lang nagtira para jan (turo sakin) sa sarili mo. Alam mo kasi sa pag-ibig, hindi mo naman talaga madaling malaman kong siya na yong The One mo. Paghihirapan mo pa, iiyakan mo pa. Paglalaanan mo pa nang maraming oras, at higit sa lahat ibibigay mo pa yong buong tiwala mo sa taong akala mo ay Mahal ka, yon naman pala HINDI. Edi NGA-NGA ang peg mo today diba! Huwag kang basta-basta susugal kong alanganin ka pa. Tiyaka bata ka pa naman eh. Moved on din pag may time, okay? (she smiled at me)

Tahimik lang ako na nakikinig sa sermon ni Tita. Punas lang ako nang punas sa mga luha ko na hindi man lang tumitigil.

Tita: Tiyaka sinagot mo kasi siya kaagad eh hindi mo pa siya binigyan nang time para mas maiparamdam pa niya sayo lalo yong pag-ibig niya. Yong naramdaman niya marahil ay panandalian lang walang kasiguraduhan. Sabihin na natin na MINAHAL ka niya pero nasa isip niya lang siguro yon, na-attract lang ba siya sa'yo ganun. Ang tunay na pag-ibig nahihintay sa tamang panahon, nararamdaman nang puso, sabayan mo na rin nang dasal sa Panginoon. Inuunahan mo na kasi siya eh. Aral ka muna Jue.

Sawi Porebs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon