Nakakaantok na araw pero wala eh, hindi dapat ako mawalan nang gana lalo pa at gusto kong bumawi!
Aika: oy, anong date na pala ngayon?
Nilabas ko yong phone ko at tinignan kong ano na nga bang date ngayon? Hahaha eh sa nakalimutan ko na din.
Ako: ahm.. December 04, Wednesday. Bilis nang araw, mamaya Friday nanaman!
Aika: kaya nga eh, malapit nanaman ang CHRISTMAS! HAHAHA.
Tinignan ko yong date ulit at napatingin sa susunod na Month! JANUARY!
Ako: okaaaay!
Tinago ko na yong phone ko.
Andito kami sa library at nagreresearch lang para may maisagot sa mga tanong na Binigay nong Pogi kong Professor. Achucubels. Hahaha.
After 30 minutes na pamamalagi sa Library. Nagsi-alisan na kami nang mga kagroup ko.
~
Hanggang 3 PM ang klase ko ngayong second sem MWF tapos TTH naman 2 subjects lang naman. Good News kasi 8 AM ang start ko, not bad. ( ^-^ )
*room*
9 AM. Second subject ko ngayong araw. Technopreneurship.
Naka power point kami ngayon. Ako naman naka tingin lang sa harap. Nagsilabasan nang notes yong iba, eh ako? Hindi na, hahaha adik nila eh pwede naman i-copy kay Ma'am no! hay nako!
Prof: Steps on how to write your memo. Step 1. Write the heading. Specify who the memo is for and who sent it. The heading segment should also include the complete and exact date the was written, the subject matter. The sample heading would look like:
To: Name and job title of the recipient
From: Your name and job title
Date Complete date when the memo is about (highlighted in some way)
**Always address readers by their correct name; do not use nicknames.
** When constructing the heading be sure to double space between sections and align the next.
~
Nagpatuloy lang si Ma'am sa pagdi-discuss tahimik lang sa room, kaya mas lalo akong naaantok at nasa likodan ko lang naman ang AC! (aircon) sakto lang naman yong lamig kaya nga may times na kinukurot ko yong sarili ko para wag lang antokin. Hays. The struggle is real. Common!
~
Natapos ang klase, tahimik pa rin ang lahat. Sa next class namin same Professor, same room din, eh halos naman lahat nang subject ko dito sa 2nd floor naka assign -__-
10:00 AM
Lumabas na muna ko at umupo sa may vacant chair. Sa pag-upo ko may familiar face akong nakikita at kasama niya si Daisy. Ay OO siya pala yong crush na sinasabi niya. Masaya naman sila magkasama.
Tahimik lang ako nakaupo sa labas hawak ang phone at ano pa ng aba edi NAGSELFIE ako hahaha.
After 10 minutes na paghihintay sa Professor namin...dumating din siya. At tinawag na ko ni Aika. Katabi ko ulit siya. HAHAHA LAGI NAMAN EH.
Prof: Good Morning class, sorry at late ako. May problem lang kasi sa office, so let's proceed to our topic. MATHEMATICAL Logic. So when we say LOGIC, ano nga ba ang logic? Anyone??
Tumingin tingin sa samin, naghihintay kong sino sasagot sa tanong niya. Tindi naman kasi, tanong agad ang sumalabong samin hays!
Napatingin siya kay Aika na nagsusulat. Kaya SAAKIN BUMALING ANG ATENSYON NIYA!! Argh!! AIKA MORALES KASALANAN MO TO!!!!
BINABASA MO ANG
Sawi Porebs.
RandomNakooooo. Nako talaga! ILANG LALAKI PA BA MAKIKILALA KO NA LOLOKOHIN LANG AKO. Pssssh! Naman eeeeee. Eto na nga mga Day! This story contains 40% TOTOONG nangyare and the remaining 60% imagination ko ahaha. Sige na mga Day \^_^/ start reading na hihi...