Chapter 7

3 0 0
                                    

December 05, Friday.

Hala, kinakabahan ako! Kasi naman, 'tong Daisy pinagpilitan talaga ang gusto. Andito kami ngayon sa canteen ni Aika, hinihintay sila.

Aika: okay ka lang ba?

Biglang hinawakan ni Aika yong kamay ko.

Ako: o_o ? oy bakit??

Aika: andiyan naaaaaa! Okay Inhale..... exhale.....! ang gwapo niya friend. Uwaaah! Pero relax lang ha. Wag ka muna lilingon!

Muntik na akong mapalingon pero hinila niya ung damit ko.

Aika: hindi ka rin makulit no? sabing wag lilingon eh! Ikaw talaga.

Ako: hoy! kailan ka pa lumandi nang ganyan ha? Grabe talaga empluwensya ni Daisy!

Hindi ako lumingon, gaya nang sabi nitong katabi ko! Parang gusto ko tumakbo pero hindi puwede kasi nakakahiya naman yon diba? Iba yong nararamdaman ko ngayon, sana naman wag akong mautal mamaya!

Aika: (bumulong) andiyan na sila.

Umayos ako nang upo.

Hinawakan ako ni Daisy sa balikat, sign na nandiyan na sila at kasama na talaga niya si GIO!

Aika: upo ka.

Uupo na sana siya sa harapan ko pero pinaalis siya ni Aika!

Aika: teka! Wag diyan, kasi diyan si Daisy, diyan ka (turo sa vacant seat sa tabi ko)

nanlaki mata ko kay Aika. Walang hiya talaga to! Humanda sakin to mamaya! Argh!!

Tumabi nga tong lalaking to sakin, aba, sobrang lapit pa! Ngumiti siya sakin pero ako parang wala lang, kaya tinignan ako ni Daisy na *kausapin mo* look. Tinignan ko naman siya nang *ayuko nga* look.

Nagkakaintindihan naman kami kahit sa tingin lang ano? Hahaha.

Gio: (inabot ung kamay) ah ako nga pala si Gio Ramirez III. Classmate ako ni Daisy Lee.

Nginitian ko lang siya at nakipagkamay, bigla naman sumabat tong Daisy.

Daisy: ay hahaha, gwapo niya diba? Sabi sayo eh hahahah.

Tinignan siya ni Aika *wag kang maingay* look. Natahimik naman agad si Daisy. Hay nako! (-_\)

Ako: ahm, nice to meet you. Ilang taon kana pala?

Gio: 16 pa lang ako.

Ako: bata kapa pala. Hehehe.

Gio: ay hahah ganon ba.

Daisy: oo, kasi nga diba nag shift ako? Kaya yun imbes na 2nd year na ko 1st year pa, kaya classmate ko siya Jue. (ngiti sakin)

Gio: ah oo. Heheh. Hindi sana ako dito mag-aaral kaso may scholarship kasi akong natanggap at dito yong isa na nakasulat sa pinagpipilian.

Ako: ay okay.

Hahahaha walang hiya, haba nang sinabi niya OKAY lang ang sagot? Abno lang e no?! hindi ko naman kasi alam kong ano pa yong topic na pwede pag-usapan! NAHIHIYA kasi AKO!

Kaya si Aika na lang ang nag-open nang topic na ikinatuwa naming apat. Tawang tawa ako sa mga pinagkukwentuhan namin.

Paminsan minsan nahahawakan ko yong kamay ni Gio pero hindi naman ata niya napapansin, paano ko nahahawakan? Eh sa sobrang lapit ba naman namin? Tiyaka hindi ako mapakali kaya ganern. Hahaha.

Sawi Porebs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon