Chapter 1

682 20 11
                                    

NOTE: This chap is dedicated to Kuya Jace, kasi siya yung naging daan na magkainteres ako sa action stories and fave ko talaga mga gawa niya (GvA, Virus Detected, Royal Synergy). Idol ko po talaga siya hahaha, medyo sa kanya ko din po nakuha yung idea ng story na to.


P.S. Mej SPG yung chap na to, medyo lang naman as in super medyo lang. 



Manila. Sunday 8:30pm

Kasalukuyan akong nakatambay sa rooftop ng isang building malapit sa Roxas blvd. at nagmamatyag sa target ko ngayong gabi. Tinignan ko ang pagpupulong na nagaganap sa kabilang building gamit ang binoculars. Nagsisimula pa lang magsidatingan ang mga bisita, tsk ang tagal ko nakatambay dito tas segundo lang naman ang itatagal ng trabaho ko.


"Ang tagal naman ng matandang yon." Napangiti ako sa narinig, may kasama nga pala ako ngayong gabi, nakalimutan ko. Tinignan ko siya pagkatapos masiguro na wala pa ang pinunta namin ngayong gabi.


"Di ka makapaghintay Seductive Slayer, sinabi ko naman na sayo na walang ganap sa misyong ito hindi ba? Literal na kill and go lang to. Pero matigas ang ulo mo at sumama ka pa din." 

Lalong lumukot ang mukha niya, mas nahahalata na ang pagkainip niya. Seductive Slayer, isa sa mga kasamahan ko sa grupo, sole heiress of the Ledra clan kaya may pagka bratinella, and yes ang codename niya ang naglalarawan kung pano siya pumatay, ang landi diba? Pero di ako tumututol because it actually works, all the freaking time. Siya na talaga panalo, uwian na.


Umirap siya, "Eh malay ko ba kung gusto mo lang magsolo sa boy hunting." Napailing nalang ako, ang sinasabi ko kasing ganap eh ibig sabihin may lalake na kasama like pag yung nag pupunta ng bar or club ganon. Para namang di ako kilala ng babaeng to tss.


"Kung naiinip ka, mauna ka na sa HQ natin o kaya hanapin mo si Fierce, magpasama ka sa ganap mo." Sabi ko sa kanya. Habang inaayos ang gagamitin kong baril ngayong gabi.


"Wth! No way! Kung si Fierce ang isasama ko, baka wala ng lumapit na lalake sakin! Sayang awra ko." Bulalas niya. Di ko siya masisisi dahil tama siya, man hater si Fierce, well I'll just leave it here for now malalaman niyo din naman kung bakit eh. Nagpatuloy pa si Slayer sa pag rereklamo hangga't di na ako nakatiis. Ayoko pa naman ng maingay. And because of her it's getting hard for me to concentrate!!!


"F*ck it Slayer, ang ingay mo! Gusto mo bang ikaw ang unahin ko kesa sa target ko?" Nilabas ko ang maliit na baril na nasa hita ko at tinutok sa noo niya. Tila nagulat siya sa ginawa ko.


"D-death, ha-ha i-ikaw naman, o-oo na mauuna na ako sa HQ hehe." Sabi niya habang nakataas pa ang dalawang kamay. Binaba ko ang baril na nakatutok sa kanya. Matagal na kaming magkasama ni Slayer, and she knew better than to get on my other side.


"Go." At parang isang gunmark, tumakbo si Slayer sa gilid ng building at tumalon. Napatawa ako, gaga talaga, sa taranta niya nakalimutan niyang may fire exit naman. Tinignan kong muli ang kabilang building, lahat ng tao ay nakaupo na maliban nalang sa mga bodyguards na nakapalibot sa hall. Ilang minuto pa bago ko nakita ang pakay ko ngayong gabi, paakyat na siya sa entablado upang mag bigay ng opening remarks.

SA University (Assassins vs. Secret Agents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon