Initiation(Part 2)

158 10 0
                                    

[A/N: This chap is dedicated to Ate @LaraMelissa . Sobra sobra ko din siyang idol, 2nd year HS palang ako nung nabasa ko yung Black Butterfly mga panahong on-going pa siya. Sa sobrang adik ko, ginamit ko pa si Bella sa project ko sa math nun HAHAHA. Hanggang ngayon nasa puso ko pa din yung story na to, as in solid fave ko. Ngayon ang dami ko ng nabasang action stories at masasabi kong iba parin talaga naging impact sakin ng BB. ♥]



Terrence's POV


Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sakin tong babaeng to, unang kita ko palang sa kanya sa klase ay nakaramdam na ako ng inis ng makita ko siyang nakikipag-usap kay Jake.

Hindi naman ako masyadong pala imik pero pag dating sa kanya.. Aish! Ewan!

Siguro dahil siya lang ang naglalakas loob na sagut-sagutin ako. Oo tama yun nga.


"ARAY! Nananadya ka ba?!" Reklamo niya, sinadya ko kasing tamaan siya ng mag-unat ako. Naiirita kasi ako, ang ingay ingay at nakikipag tawanan pa sa mokong Jake na yan.

Di ko siya pinansin, wala gusto ko lang siyang asarin.


Pagkatapos sabihin samin kung anong gagawin ngayon ay pinagpalit na kami ni Sir Leo, kanya kanyang punta kami sa shower/locker rooms. Malaki naman ito kaya kasya lahat ng lalaking freshmen.

"TA." Napalingon ako sa tumawag sakin, si Ken.

"Oh bakit?"

"Wala, napansin ko lang na may chix na kumakausap sayo kanina. Sino yun? Ang ganda eh." Tignan mo to napaka chickboy talaga. Si Ken yung tropa ko na matinik sa mga babae, bawat linggo ata bago girlfriend nito eh.

"Oo nga TA, kaso mukhang galit, ano bang ginawa mo?" Biglang singit naman ni Matthew at umakbay pa sakin. Si Matthew naman ang pinakamakulit saamin, parang bata kumbaga.

Napailing nalang ako, "Wag mo na alamin, sure akong di siya ang tipo mong babae." Sabi ko kay Ken. At inalis ang pagkakaakbay ni Matthew. "Wala yun, classmate ko lang. Tara na." Pagyaya ko para di na ako kulitin ng mga mokong. Wala naman talaga akong pake sa pambababae ni Ken pero nang maisip ko na popormahan niya yung babaeng yon eh nakaramdaman ako ng inis.

Aish di ko na maintindihan yung sarili ko!!

"Uy TA, sino nga kasi yun! Ayaw mo lang ata sabihin kasi type mo eh!" Pang aasar pa ni Ken. Psh, ako? Type yung babaeng yon? Eh ang taray nga non, kung maka irap parang napupunta na sa likod yung iris niya.

"Uuuy, nagbibinata na siyaaa." Sunod na pag gatong ni Matthew. Inakbayan ko silang dalawa at ngumiti.

"Titigil kayo o uumbagan ko kayo?" Sabi ko sa kanilang dalawa, sabay silang napalunok at umalis sa pag kakaakbay ko.

"Uyyy, narinig ko ata na tinawag na yung pangalan ko, una na ko TA." Nagmamadaling pag alis ni Ken. Tss, di pa nga nagsisimula.

"Ah- hehe, ako din. Sumama bigla yung tyan ko. Balik muna ako sa CR, pre." Sabi ni Matthew, umalis siya habang umaarteng natatae. Napailing nalang ako at natawa.

Mga siraulo talaga.

Pagkabalik naming lahat sa mga pwesto namin kanina ay nagsimula na din. Halos kalahati na ang natatapos pero hindi pa din ako natatawag.

Pinanood ko lahat ng sumasabak at nakuha ng isang babae ang atensyon ko, simple lang ang galaw niya pero halatang sanay siya sa ginagawa niya. Patapos na siya sa pag akyat sa huling obstacle ng madaplisan siya ng isang patalim. Pagkaakyat niya ay agad siyang kumapit sa lubid at bumaba. Pinindot niya ang buzzer.

SA University (Assassins vs. Secret Agents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon