Chapter 2

221 11 0
                                    

Elle's POV

"Are you sure about this, princess?" Ilang beses na ako tinatanong ni Daddy kung sure ba ako sa gusto kong pasukin pero sa bawat tanong niya eh puro oo lang ang naisagot ko, ni walang bahid ng kaba o pagdududa.

This is it, my first day as a college student sa SA University, kami lang ni daddy ang may alam kung ano nga ba ang pinapasok ko, kahit si mommy o ang bestfriends ko hindi alam kung san ako nag-enroll. Which reminds me.. Hayy, lagot ako kela Jen neto, alam kong maliliit palang kami iisang school na ang pinangarap namin na papasukan sa college pero sinira ko ang pangarap namin, huhu sasaluhin ko nalang yung armalite niyang bibig at mga mabibigat nilang palo pag nagkita kita kami.

Pag karating namin sa university ay kumiss agad ako kay daddy at bumaba na. "Are you sure that you don't want me to go with you, pangga?"

Napangiti ako sa sinabi niya, "Yes 'Dy, ako na po bahala dito. Ingat ka pauwi. Love you!"

Napangiti din si daddy, "Alright, goodluck pangga! Daddy loves you too." At umalis na siya.

Ugh tinatamad pa ako sa totoo lang, at medyo puyat pa ako dahil hindi ako agad nakatulog kakaisip sa kung anong mangyayare ngayong araw. Tinignan ko ang kabuoan ng school bago ako pumasok sa lobby, modernong moderno ang pagkakadesign sa mga building. No wonder kung bakit pili lang ang ppwedeng makapasok dito, dahil kahit sinong outsiders ay maghihinala pag nakita ang school na to. 

Dumaan muna ako sa OSA (Office of Student Affairs) para kunin ang ID ko at yung schedule ko, pagdating ko ay may lalaking nakapwesto sa harap ng desk ni Sir.. Sir Khaled, ayon sa name plate na nasa taas ng desk niya, may importante ata silang pinag uusapan, pero dahil sure akong late na ko sa magiging class ko, kinapalan ko na ang mukha ko at sumingit.

"Excuse me Sir, I don't mean to interrupt your conversation but I badly need to get my ID at yung schedule ko, baka late na po kasi ako sa first class ko.." Napatingin silang dalawa sakin, ang lalaking katabi ko ay tila nainis dahil nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

Ngumiti si Sir Khaled, "It's okay miss, wait here. Kukunin ko lang yung ID at sched mo. You're Ms. Ellexiel Selene Premiere right?" Medyo napakunoot ang noo ko, nagtataka kung pano niya nalaman ang buong pangalan ko pero tumango na lang ako at binigyan siya ng maliit na ngiti. 

Napatawa naman siya ng bahagya sa reaksyon ko. "Okay, just a sec. I'll just get your sched and your ID." at umalis na siya.

"Tss. Nakikita ng may nag-uusap tas sisingit." Pagsusungit ng katabi ko. Pasalamat siya pogi siya- wait what? tss nvm.

"Kaya nga nag 'excuse me' diba?" Pagtataray ko, I'm not in the mood to argue with anyone lalo na't balak ko mag pa low profile sa eskwelahan na to, sa lahat, ayoko yung nakakakuha ako ng atensyon.

Bumalik si Sir Khaled dala dala ang ID ko at ang schedule ko, "So Ms. Premiere, your first class is history, don't worry hindi ka pa naman late, you still have 15 mins para makapunta don. Here's your ID." Nagulat naman ako sa nakita ko, wow high tech talaga may digital screen ang ID namin.

Kumunot ang noo ko ng maapansin ko ang nasa ID ko, "Class 4?" Napatingin naman agad sa akin yung lalaking katabi ko, "Akala ko po ba section 1 ako?"

"Ano?? Tama ba ang narinig ko? Class 4?!" Tila di makapaniwalang pagbulalas ng lalaking masungit sa tabi ko. Mas lalo tuloy ako nagtaka sa kung ano ang ibig sabihin nito.

"Yes class 4 nga," sabi niya sa poging masungit na katabi ko pagkatapos nun ay humarap siya sakin. "Kung tanda mo Ms. Premiere, pinaglaro ka sa isang breakout inspired room bago ka makapag enroll dito right?" Tanong sakin ni Sir na tinanguan ko naman. "So yan ang result ng examination na yun, based on your skills, strength, and intelligence, pasok ka sa Class 4." Pag papaliwanag sa akin ni sir.

Ang lalaking katabi ko ay may itsurang di makapaniwala kaya lalo akong naguluhan sa nangyayare. Ano namang meron kung Class 4 ako? Parang wala namang sinabi si daddy tungkol dito.

Natawa ng mahina si Sir Khaled, "Hanggang dun nalang ang sasabihin ko Ms. Premiere, I suggest you better find it out on your own, base naman sa results mo hindi ka mahihirapang malaman yon. You better get going, malapit na magstart ang class mo."

Tumango ako at tumalikod na.

"Miss Premiere," lumingon ako ulit sakanila. "one last thing, wag mo muna ipapaalam sa iba yung class mo, isa yun sa rule ng school para sa freshmen may tamang panahon para don. You don't have to worry about Mr. Lopez, hindi siya magsasalita." tukoy niya kay sungit.

Tumango ako kay Sir Khaled at tuluyan ng umalis sa office. As if naman ipagsasabi ko to eh di ko nga alam kung ano to. Psh

"Pano nangyaring Class 4 siya?! Wala pang 1st year na nakakuha agad ng ganon!" Narinig ko nalang na natawa si Sir Khaled sa tinuran ni Mr. Sungit.

Napakunot ang noo ko, ano bang meron sa class class na to? Kailangan ko tong sabihin kay daddy.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Pag dating ko sa tapat ng classroom ko ay naabutan kong nakasara ang pinto. Hmm may prof na ba? Sh*t baka late na ako huhu. Eto pa naman yung iniiwasan ko sa unang araw ko, yung ma late.

Sumilip muna ako sa maliit na bintana sa pinto. Uhh gets niyo ba? Ah basta may glass na silipan sa pinto. Pag silip ko wala pa naman prof. Hayy buti nalang!

Binuksan ko na ang pintuan, biglang napatahimik ang buong classroom at lahat sila ay nakatingin na saakin. Err alam kong maganda ako, pero sht sabi ko ayoko ng attention ehh.. (wow ang hangin lang HAHAHA)

So ayun, medyo yumuko ako at pumunta na sa pinakalikod kung saan may bakante. Gustuhin ko mang samaan sila ng tingin kaso hindi pwede. Nakapwesto ako sa gitna may dalawang babae sa kanan ko at dalawa din sa kaliwa ko, hindi ko makita ang mga mukha nila dahil naka ubob ang muka nila sa desks nila.

Pero bakit parang pamilyar yung amoy nil--

"Sa tingin mo ba hindi namin malalaman? Kelan mo balak sabihin samin na dito ka pala mag-aaral?" saad ng nasa kanan ko. Napatingin naman ako sa gawi niya, nakayuko parin siya, ako ba kausap niya?

"Kapag nagsimula na ang klase?" Sabi naman ng nasa kaliwa ko.

"Kapag puti na ang uwak?" Sabi ng katabi ng nasa kanan ko.

Pabaling baling ang ulo ko dahil isa isa silang nagsasalita.

"O pag naubos na namin ang populasyon ng school na to?" Saad naman ng katabi ng nasa kaliwa ko.

"O kapag kinatay namin si Jared mo?" Sabay sabay na sabi nila. Teka, pamilyar sakin mga boses nila ahh.. at pano nila alam na Jared ang pangalan ng paborito kong moto-- OH SH*T

Dahan- dahan silang umangat at sabay-sabay na tumingin ng masama sa akin.

FUDGE I'M A DEAD MEAT.

SA University (Assassins vs. Secret Agents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon