Chapter 6

145 9 0
                                    


Elle's POV

"Hello? What?! Okay 'dy, papunta na po kami!" Agad kong binaba ang tawag at nagtungo na sa sasakyan ni Bree.

"Ano daw sabi ni tito?" Tanong ni Shin pagkapasok nila sa sasakyan.

"Nakareceive daw siya ng death threat, sila mommy ang target." Sagot ko habang mabilis na nagmamaneho.

"What?! Baka naman empty threat lang yan, diba lagi naman nakakatanggap si tito?" Buti nalang talaga tumutuwid dila ni Jen pag seryoso ang pinag uusapan, kundi ewan ko nalang.

"Totoo o hindi, we can't risk it. Si Mommy at ang kambal ang pinag uusapan dito." Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sakanila kaya kahit false alarm lang kailangan ko parin patulan. Hindi ko hahayaang maulit ulit yung nangyari dati..

"But Lex, matindi naman ang security ng bahay niyo diba? Hindi naman basta-basta napapasok yun." -Jen.

"Pero pwede ding hindi lang basta-basta ang nagbigay ng threat sa kanila, Jen." Sabi ni Addie, yan ang gusto ko kay Addie, she may be weird, quiet, and sometimes parang shunga pero pag kailangan siya, maaasahan talaga siya. Natahimik nalang si Jen, mukhang naintindihan niya na yung sitwasyon.

Naiintindihan ko din naman kung san siya nanggagaling, matindi naman talaga ang security ng bahay namin, wala nga lang kaming nilalagay na tauhan para magbantay kela mommy kung tutuusin kaya din naming gamitin ang mafia ni lolo para dun kaso natatakot kaming may tumiwalag nanaman o mantraydor sa pamilya namin. 

.

.

Sa bilis ng pagpapatakbo ko wala pang 30 mins ay nasa bahay na kami, buti nalang din at nakaiwas kami sa traffic dahil pinahanap ko kay Shin ang fastest route.

Pinagpalit ko na din sila ng damit habang nasa byahe, just in case totoo ngang may kalaban, habang ako naman ay nagsuot lang ng mask, at ang belt ko na kinakabitan ng mga armas ko, buti nalang talaga at kumpleto lagi ang gamit namin sa bawat sasakyan namin. 

Pag babang pagbaba namin ng sasakyan ay agad naming narinig ang sigaw ni mommy.

"WAAAAH! LUMAYO KA! LUMAYO KA! AHHHH!" Kasunod non ay ang tunog na may nabasag. 

Shit! Wag naman sana..

Mabilis kaming tumakbo papasok ng bahay, pag pasok namin ay agad naming tinutok ang mga baril namin sa harap. Bumungad samin ang gulat na gulat na mukha ni mommy pati na rin ni Nanay Denden na nagwawalis ng nabasag na vase.

"Pangga? Anong ginagawa niyo?" Sabi ni mommy nang makarecover na siya sa pagkagulat.

"M-my? Okay kayo?" Kumunot ang noo niya, "Oo naman nak, bakit?" Nakahinga naman ako ng maluwag pagkatapos niyang sabihin yon. Umayos na din kaming lima ng tayo namin. Shit kinabahan ako don! 

"Anong trip yan nak? Halloween na ba?" Takang tanong niya habang nakatingin saming lima. Sasagot na sana ako kaso humirit pa siya, "Ay kaso June palang diba... Ay baka namove na, hindi lang ako naorient." Sabi niya habang nakatingin sa taas at nakahawak pa sa baba niya na parang iniisip niya talaga na baka nga namove na ang halloween. Napailing nalang ako, ang cute talaga ni mommy.

"A-hehe cosplay to 'my. Trip trip lang. Ayos ba 'my?" Sana kumagat si mommy.. 

"Alam mo nak, walang duda mana ka nga sa daddy mo. Pareho kayong weird. Ang lalaki niyo na may pa costume costume pa kayong nalalaman. Hayyy." Napapailing pa siya habang sinasabi yon. "San niyo ba nakuha yang get-up na yan, gusto ko rin itry hehe." Huh?? Tinawag niya akong weird, tas gusto niya din daw itry? Ang gulo talaga ng nanay ko. 

SA University (Assassins vs. Secret Agents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon