Elle's POV
Pagkatapos ng subject namin ay nagsimula na akong magligpit ng gamit ko. Chineck ko muna yung schedule ko at nakitang special subject ang susunod.
Halos nakaalis na din ang iba kong kaklase, si Jake nalang ang natira dito dahil hinihintay niya ako.
"Hindi mo dapat ginawa yun." Sabi ni Jake habang naglalakad kami papunta sa next subject, dun din daw kasi ang punta niya.
"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko.
"Yung kanina, kay Terrence." Napakunot naman ang noo ko.
"Anong meron? Parang yun lang."
"Hindi yun 'parang yun lang' Elle, may balita na anak siya ng isang mafia boss. Delikado kung babanggain siya." Seryosong sabi ni Jake saakin. So he's a Mafia Prince? And I'm supposed to be threatened by that?
"How come nagttrain siyang maging special agent? Ano yun change of heart?" Medyo natatawa ko pang pagsabi kay Jake pero bigla siyang humarap sakin at tinitigan ako, parang may kung anong sinasabi ang mga mata niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapatitig.
"Di ko alam pero sabi nila na baka kaya siya andito ay para tumigil na sa pag hinala ang mga tao sa pamilya nila. Listen Elle, just be careful. Totoo o hindi, mahirap makabangga si Terrence." Parang may bahid ng concern ang mga mata niya. Bakit ganto, kakakilala palang namin pero magaan na yung loob ko sa kanya, na para bang matagal ko na siyang kilala.
"Anyway, we're here." Humarap na siya at natanaw namin ang malaking building na katulad ng iba na gawa sa salamin.
Pumasok kami sa loob at halos masilaw ako ng makitang puting puti ang interior nito. Grabe ha, hindi naman sila galit sa puti?
"Anong building to?" Tanong ko kay Jake. Napangiti nalang siya, "You'll see."
Naglakad kami papunta sa double door, lumingon siya sakin habang binubuksan niya ang pinto.
"Welcome to the training ground." Masayang pagbati niya pagkabukas ng pinto. Pagtingin ko sa harap ay natawa nalang ako. Wala naman tong sinabi sa hideout namin.
"More like 'playground'."
"Ha? May sinasabi ka?" Umiling nalang ako at ngumiti. Naglakad na kami paloob at nakitang hindi lang iisang class ang andito, kundi buong freshmen. Inexplain saakin ni Jake na ang buong building na to ay ang lugar para sa special subjects namin kung saan ittrain kami hindi lang physically, kundi mentally na din.
Nakaupo na ang buong freshmen sa bleachers, agad nahagip ng mata ko ang apat kong kaibigan, magkakahiwalay kami dahil ang magkakasama ngayon ay ang magkakaklase mula sa previous subjects namin.
Nakita ko si Jen na mukhang reyna kung makaupo habang katabi ang mga kapwa niya designers. Si Shin naman ay kasama si Addie na pinapalibutan ng black aura dahil silang dalawa lang ni Shin ang babae sa block nila. At si Bree.. ayun lumalamon nanaman, allowed bang kumain dito?
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa katabi kong si Jake.
Pasagot na sana siya ng may biglang sumabat.
"Initiation." Si Terrence. Napatingin ako sa kanya, pero sa harap lang nakatuon ang pansin niya. Hindi ko talaga akalaing makikita ko siya dito sa university, lalo na ang malamang classmate ko pa siya. Ang akala ko ay isa na siyang ganap na agent dahil sa naging engkwentro namin nun.
"Are you aware that staring is rude?" Tumingin siya sakin. "Ganon ba ko kagwapo?" Then he smirked.
Tss. Ang yabang men! Iba siya!
BINABASA MO ANG
SA University (Assassins vs. Secret Agents)
ActionSouthern Asia University sa kaalaman ng mga tao pero ang totoong pangalan nito ay nakakubli sa loob ng unibersidad, isang normal na school kung saan meron parin iba't ibang kursong pang kolehiyo ang andito pero hindi lang kung anong tinatahak na kur...