Chapter 7

227 12 0
                                    


Elle's POV

Maagang nagsimula ang araw ko, mabuti nalang at maayos ang pakiramdam ko kahit napagod at napuyat ako kagabi. Well sabagay, sanay na din kasi ako. Pero minsan naiisip ko din na sana di nalang ako nasanay sa ganto, na sana naging normal nalang ang pamilya ko. Yung average lang, para walang gantong stress at malayo sa kapahamakan.

Well we are living as if we're normal, yun ang alam ng mga taong hindi nakakakilala sa amin. Si lolo gusto na ding mamuhay ng normal at bitawan na ang mafia, he's old and dapat nagpapahinga nalang siya at nagbabakasyon pero hindi raw kasi ganon kadali yon lalo na sa sitwasyon namin.

Si daddy naman, kahit siya ang naghahandle ng business namin, hindi parin siya nagqquit sa pagiging assassin, hangga't di daw namin nasosolve ang problema hindi daw siya magqquit, and besides parte na din daw kasi ng buhay niya yon.

At ako? Choice ko ang pagiging assassin, dati kasi mas nanonood ako ng action movies instead of cartoons, di ko alam pero parang may excitement akong nararamdaman kapag may bakbakan, and then nalaman kong assassin si daddy, dahil dun mas lalo ko siyang naging idol. Nung nalaman niyang gusto kong maging assassin, sinabi niya muna yun kay lolo at nung pumayag si lolo, tinrain na nila akong dalawa.

At the age of 4 puspusan na akong nagttraining, you may think that it's impossible or my story is exaggerated, but it's not. Sa ganung edad unti-unti nila akong minulat sa mundo ng Mafia, sa underground society, sa mundo na puro patayan at ilegal. But they made sure that I'll see that world in a different perspective, nakakatawa man pakinggan pero may iba kasing pananaw sila lolo at daddy, may mga pinapanindigan sila, believe it or not, not all people in the underground society are demons.

Lolo may be a mafia boss, pero hindi siya yung tipo ng papatay ng tauhan ng dahil trip lang, kaya malaki ang respeto sa kanya ng karamihan, yun ay dahil mabait siya at may respeto kahit sa mga underlings niya, but that doesn't mean na wala na din siyang sungay, he won't be #1 kung wala siya non. He's smart, malamang hindi niya ipapakita yung weakness niya.

Si daddy as an assassin, hindi lang siya basta bastang pumapatay ng kung sinong tao lang na iassign sa kanya, siya padin ang nagdedesisyon kung aling target ang tatanggapin niya o alin ang hindi, dun namin nakuha yung ganong konsepto, na ang mga halang na kaluluwa lang talaga ang tinatapos namin; hindi masama ang tingin namin dun, instead we see it as pagliligtas sa mga future nilang bibiktimahin.

At the age of 6 dun kami nagkakila-kilala nila Shin at Jen. A year later, nakilala namin sila Bree at Addie. Sila ang childhood/bestfriends ko, kaya talagang kilalang kilala namin ang isa't isa.

Magkakaiba kami ng ugali at gusto pero hindi yun naging hadlang para maging close kaming lahat. We treated each other as sisters, as in yung legit sister;

Si Shin, bata palang, kita na sa kanya yung pagiging techy niya, isa rin siya sa utak ng merged company ng family nila at family nila Bree, ang ibang gadgets na nilalabas ng company nila ay gawa niya;

Si Jen naman, bata palang fashionista na, pero di naman siya tulad ng iba na sobrang arte, girly lang talaga siya kumpara saamin;

Bree and Addie? Si Bree nung nakilala namin, chubby siya, ang cute cute niya promise! And as usual di nawawalan ng pagkain sa kamay yon, si Addie naman, she's very bubbly and happy, not until something happened to her. She changed, ganun talaga siguro ang tao, may iba't ibang ways tayo ng pag ccope up sa mga nangyayari satin. Pero kahit nagbago siya, alam naming siya parin yung Addie na kilala namin, na somewhere in those weird and dark facade, she's still there..




Sa haba ng nalakbay ng isip ko, hindi ko namalayan na nasa university na pala ako. Chineck ko ang oras, 6am. Sakto lang ang dating ko, ayoko kasing nagpupunta ng school ng medyo late kasi agaw atensyon dahil marami ng estudyante sa school grounds pag ganon. And besides, ayoko lang talaga ng nalelate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SA University (Assassins vs. Secret Agents)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon