"Ellexiel Selene Premiere, Class 4, Rank1."
Matinding katahimikan ang namayani sa training ground. Halos lahat ay hindi makapaniwala sa napanood at narinig nila.
"Class 4? Sa pagkaka alam ko ay wala pang first year ang nakakakuha ng ganon kataas na class ah."
"Wth? Bida bida naman this girl."
"Tangina ang bangis! Tinamaan na ata ako."
"Damn, tama nga talaga ang result niya nung una palang."
"Hay, she's so madaya talaga, she said na dapat we should control ourselves, pero siya naman tong nagpakitang gilas."
"Shit, hindi lang pala basta basta chix yung kausap ni TA kanina!"
"Huta, ubos na yung pagkain ko. Hindi pa ba matatapos to?"
"Tama ako, hindi nga siya basta basta lang. Sino ka ba talaga Elle?"
Kanya kanyang sabi ng mga estudyante sa isip nila. Habang si Elle naman ay bored na nakatayo parin sa harap ng steel door na ngayon ay nakasara na. Tinignan niya ang buong training ground, halos lahat ng tao ay nakanga nga.
Tss. Bakit ganto itsura ng mga to? Sa isip isip niya.
Naglakad si Elle papunta sa upuan niya at tanging boots niya lang ang naririnig sa training ground. Pagkaupo niya ay parang may pumindot sa play button dahil biglang natauhan ang mga tao. Kanya kanyang bulungan ang nangyare.
"A-ah, students. Sorry, d-di lang ako makapaniwala. Nagulat ako sa result ng initiation niyo." Sabi ni Sir Leo at tumingin siya kay Elle, "Your batch is quite surprising, your results are outstanding! Sa tagal ko sa school na ito, wala pa akong naencounter na may first year ang nakakakuha ng class 4 pag pasok palang except sa dating..." Bigla siyang natigilan, at napailing sa sarili. "Nevermind. So now may I have the honor to introduce to you your Power 12."
Elle's POV
Ang dami namang dada neto ni Sir Leo. Kanina pa tapos ang class hours eh.
"Rank 6: Jake Angeles and Valerie Torres. Please join me here in front." Sabi ni Sir Leo. Bakit ba may ganto pa? Ano to graduation?
"Rank 5: Matthew Hermes Ledesma and Luxienne Caissa Kwon." Agad na tumayo ang tinawag na si Matthew, tumingin siya sa bandang gawi ko at sumaludo ng pabiro. Nang tignan ko ang tinitignan niya ay ang katabi ko palang si Terrence. So magkakilala pala sila.. Napailing nalang si Terrence habang nangingiti.
Cute..
"Wag ka ngang nangingiti, nakakakilabot eh." Biglang napalis ang ngiti ko, sabi ko nga hindi siya cute eh, hindi na talaga. Pansin ko ang FC din niya no?
"Ikaw nga di pa nakangiti kakila-kilabot na." Ganti kong pang insulto sa kanya.
"Nakakakilabot naman talaga kagwapuhan ko." Sabi niya habang mayabang na nakangiti. Eh kung patayin ko na kaya to, tas isabit ko yung katawan niya sa may lobby ng kakilabutan talaga siya? Kaso may abs siya so hahayaan ko muna siyang mabuhay.
"Sabi mo eh." At narinig kong mahina siyang napatawa. Tss...
"Miss Kwon? Where is she? Lumabas ba?" Napatingin ako kung nasan si Shin, hindi pa pala siya tumatayo simula nung tinawag siya. Nakita kong kinalabit siya ni Addie at tinuro ang harap. Tinanggal niya ang wireless earphones niya at bored na naglakad papunta sa harap.
"Rank 4: John Ezekiel Torrevilla and Avery Nephthys Lee." Tinignan ko ang pwesto ni Bree at nakita kong badtrip na badtrip siya, parang mangangain ng tao, jusko kailangan na naming makauwi agad dahil mukhang naubusan na ata siya ng pagkain.
BINABASA MO ANG
SA University (Assassins vs. Secret Agents)
ActionSouthern Asia University sa kaalaman ng mga tao pero ang totoong pangalan nito ay nakakubli sa loob ng unibersidad, isang normal na school kung saan meron parin iba't ibang kursong pang kolehiyo ang andito pero hindi lang kung anong tinatahak na kur...