SIMULA

268 9 3
                                    

SIMULA

Mag-isa akong nakaupo sa bench sa tabi ng cola machine. nakasaksak ang headset sa tenga ko habang pinakikinggan ang isa sa mga kanta ni Taylor Swift na pinamagatang 'Bad Blood'. buti na lang at hindi pa na-expire ang spotify ko dahil kung hindi, panigurado akong super boring ang kinalalagyan ko dito. wala pa namang WiFi sa cheap na lugar na ito. Wala akong magawa kung hindi tignan ang kapatid ko na nakikipaglaro sa mga kaedaran niya. Pinasama lang naman ako ni Mommy sa fieldtrip nila sa mabaho, maalinsangan, at maingay na zoo sa labas ng lungsod. Hindi dapat ako nandito kung hindi lang tumawag ang business partner ni Mommy at ako ang pinalit bilang guardian ng kapatid ko. dapat ay nasa mall ako ngayon kasama ang bestfriend ko at nagsusukat ng mga dress na kasalukuyang sale. but the wind blows and it suddenly changed my fate.

I don't desserve this! hindi ko pinangarap na maging babysitter. arg! sayang talaga ang outfit ko ngayon. ba't ba kasi sa dinami-dami ng araw na magfi-fieldtrip sila, ngayon pa nataon kung kailan wala na akong susuutin bukas sa school. kailangan ko ng bagong damit. ayoko yung paulit-ulit ko na lang sinusuot. like hello? ayokong magmukhang cheap dahil una sa lahat, maganda ako. pangalawa, mayaman kami kaya walang rason para magmukha akong old fashion joke. I need to wear brand-news! and looks like a fashion queen. pero duda ako kung mangyayari 'yon bukas.

pinagkrus ko na lang ang mga legs ko dahil sa frustration. pwede pa naman akong magshopping mamayang gabi, yun ay kung maaga kaming makakauwi.

Inalis ko ang pagkakasaksak ng headset sa tenga ko nang bigla akong mapabaliktwas sa gulat. may narinig lang naman kasi akong kalabog sa gilid ko. pagtingin ko, isang matangkad na lalaki na nakasuot ng white shirt ang pumadyak sa cola machine. patuloy niya pa itong pinagkakabog. tinignan ko lang ang ginagawa niya without knowing na nakatingin pala siya sa akin ng masama. umiwas ako ng tingin at akma na sanang tatayo para puntahan ang kapatid ko. hinablot ko ang lata ng cola sa tabi ko at maglalakad na sana, kaya lang, bigla akong napahinto nang magsalita ang lalaki.

"sandali lang," aniya kaya napalingon ako. nakakunot ang kilay niya at para bang ang sungit-sungit niya. "ikaw ba huling gumamit nito?"

"bakit?"

"sagutin mo ang tanong ko. ikaw ba huling gumamit nito?" seryoso niyang tanong at bahagyang sumandal sa cola machine. nagcrossed arms siya at tinitigan ako na para bang nakagawa ako ng malubhang kasalanan. I can feel it through his cold eyes.

"yup! akong huling gumamit niyan. may tanong kapa?" sinubukan kong magtaray kahit bahagya lang.

Hindi ko alam kung anong problema nito pero bigla na lang kumunot ang noo niya. ang kapal ng perpekto niyang kilay.

"so ikaw ang sumira nito?"

"certainly not!" tugon ko. inayos ko ang buhok ko dahil bigla akong nakaramdam ng init sa katawan. feeling ko, pinagpapawisan na ang noo ko.

"bakit ayaw maglabas ng cola? anong ginawa mo?"

"aba malay ko! anong alam ko sa cola machine na yan? ang alam ko lang, nakakuha ako ng maayos kanina at nung ikaw na ang gumamit, ayaw na maglabas," intense kong sabi sa kanya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. namumula na yata ako dahil sa inis or frustration. I feel like insulted.

"talaga lang ha," maangas niyang sabi at unti-unting lumapit sa akin. napaatras ako pero patuloy pa rin siya sa paglapit. "hindi ko alam kung maniniwala ako sa palusot mo, pero isa lang ang alam kong ginawa mo sa cola machine... sinira mo... siguro, kinalikot mo yung button para makakuha ka ng libreng cola no?"

"excuse me?!"

bigla akong bumuntong hininga habang pinipigilan ang emosyon ko na sumabog sa kanya. anong tingin niya sa akin? magnanakaw? mukha ba akong desperadang babae makakuha lang ng cola? ang yabang nito eh!

"ano? totoo sinabi ko diba?"

"ang kapal mo naman para pagbintangan ako ng ganyan..." napatigil ako sa pagsasalita ko nang bigla niyang hablutin ang braso ko. lalong bumilis ang tibok ng puso ko. ang lamig ng kamay niya... inilapit niya ang maamo niyang mukha sa mukha ko. parang isang inches na lang, magdidikit na ang mga mukha namin. amoy peppermint anng bibig niya. hindi ako makapalag dahil mistulang kahoy ako na nanigas sa kinatatayuan ko. ang tangos ng ilong niya at yung mga mata niya, gusto kong iwasan pero hinihila ako ng mga ito para tumingin pa lalo. "bi.. bitawan mo... ko.." nauutal kong sabi.

"at bakit ko naman gagawin 'yon? sinira mo yung cola machine at kailangan mong magbayad..." sabi niya at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"ano... ba! wala nga akong kasalanan... bakit mo binibintang sakin?... bitawan mo..ko... sisigaw ako..." sinusubukan ko siyang tarayan pero hindi ko mamaintain dahil bigla na lang akong nanlalambot sa bawat salita ko.

"edi sumigaw ka... may gagawin ako sayo na tiyak na hindi mo magugustuhan,"

biglang nagcurve ang mapula niyang labi into smirk. bumaba ang tingin niya mula sa ulo ko hanggang sa ilalim ng katawan ko. at pinagmasdan ako na para bang gusto niyang kuhanin ang pagkababae ko. kinabahan ako bigla kaya kahit wala sa radar ko ang manampal, biglang dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. napabitaw ito sa pagkakahawak sa akin. namula ang pisngi niya dahil sa kaputian niya.

"bakit mo'ko sinampal?" bumalik na naman ang pagka-masungit niyang awra.

"alam mo, hindi ako basta-basta pumapatol kahit kani-kanino lang! kaya kung iniisip mo na isa ako sa mga babaeng pwede mong gamitin, hell no! hindi ako ang tipo ng babae na magpapagamit sayo!" kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito. dahil sa inis ko, tinapon ko ang lata ng cola sa harapan niya.

"ano?"

"rapist!" sabi ko at tsaka ako tumakbo para lumayo na sa kanya.

"hoy sa'n ka pupunta!" narinig kong sabi niya.

binilisan ko ang paglakad ko. I don't care too much about him. ang alam ko lang ay kailangan ko nang umalis sa lugar na ito.

pero kahit anong hakbang ang gawin ko, alam kong nakatitig siya sa akin. alam kong sa akin siya nakatingin. ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko na para bang mga kabayo na naguunahan sa finish line. sino siya para pagbintangan ako na sumira ng machine na 'yon? at bakit gano'n ba siya maka-react? super duper jerk! hindi bagay sa kagwapuhan niya! ay hindi! hindi siya gwapo. ewww... bakit ko ba nasabi 'yon?

"Let's go Rob, umuwi na tayo," sabi ko sa kapatid ko at hinila ang braso niya.

"pero ate, hindi pa tayo nakakapag-tour!"

"umuwi na nga tayo sabi eh!"

"ayoko!"

"wag kang makulit, isusumbong kita kay Mommy!"

"edi magsumbong ka,"

pagkatapos no'n ay hinila ko siya papunta sa bus station. hindi ko kayang magtour sa lugar na iyon kung nandoon ang lalaking iyon.

so gross!!

Burn All DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon