Tapos na rin akong ayusan ni Girly kaya lumabas na ako ng dressing room. bet na bet ko talaga ang suot kong aqua blue croptop, itim na skinny jeans at knee high boots. kinulot niya nang bahagya ang buhok ko at nilagyan lang ako ng konting blush on dahil sabi niya, hindi ko daw bagay ang sobrang kapal na makeup.
Nadatnan ko ang mga sampu katao siguro sa set. may malaking green screen, lightings at kung ano-ano pa. wow ha, para kaming model dito.
sumenyas naman si mrs. Lafferty para lapitan siya. pati ba naman siya nakapostura? o baka naman may balak siyang magpapicture? hindi ko alam. "you look so gorgeous," puri niya sa akin. I know right. choss! "so, where's Molly? diba magkasama kayo sa dressing room?"
"she's out of her mind," mahina kong sagot habang iniisip kung anong pwede kong isumpa sa babaeng iyon.
"what did you say?" naguguluhang tanong ni mrs. Lafferty at ibinaba ang eyeglass niya. hindi niya yata ako narinig. bungol lang teh? chena!
"sabi ko po, papunta na siya. let's wait her for a lil' bit dahil pang lion king yata ang datingan ng buhok niya,"
"okay, okay... prepare yourself at pang-apat ka sa pipicturan,"
pang-apat? hindi ba pwedeng ako na ang mauna since ako naman ang naunang natapos mag-ayos? ano to. pati ba naman dito sinusunod ang pagkakasunod ng mga sections? so unfair! "mukhang matatagalan pa po yata sila... pwedeng ako na ang mauna sa listahan?"
"I'm sorry but we were just following the rules," nakangiti niyang sagot.
"anong rules?"
"oh, hihi. just a little rules. I don't need to discuss that right away... so, wait here habang hinihintay natin ang photographer," aniya at naglakad papunta sa isa pang dressing room.
hula ko, may favoritism na nagaganap dito. hays! porque ako ang president ng Topaz, ako ang makatatanggap ng less priority? nasaan ang hustisya?
Sa halip na istressin ang sarili ko, naupo na lang ako sa isang monoblock. nagselfie at napag-isipang magsnapchat. pumunta ako sa gallery para pumili ng best shot at ipost sa instagram nang makakita ako ng itim na video. pinindot ko ito. pure black talaga siya pero may boses. natigil lang ako sa panonood ko nang may naglapit ng monoblock sa tabi ko at tumabi sa akin. napanganga ako.
bumagsak ang panga ko at tila nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Hello, I'm Wes," nakangiti niyang sabi at naglahad ng kamay sa akin. medyo natagalan bago ko abutin ang kamay niya pero nang mahawakan ko ito, para bang may kuryente na dumaloy mula sa kanya papunta sa akin? tas ang lambot pa ng kamay niya na sumakop sa palad ko.
Mygoodness! kurutin niyo ko please!! mygad!! hindi ako makahinga! tubig! tubig! oxygen! pengeng oxygen!!! whooo. pumunta na yata sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.
"hehe alam ko," nasabi ko bigla. "I mean, lahat naman kilala ka eh,"
may poster pa kita sa kwarto ko hindi mo alam?
calm down Mela. huminahon ka. nasa lupa ka pa rin. wala ka sa heaven. ohmygad. huminga ka ng malalim baka atakihin ka. huminga ka.
"kumusta ang pagiging president?" curious niyang tanong na animo'y interesado sa sagot ko.
"ayos lang," tangi kong sagot dahil hindi ko mapigilan ang kilig ko. tumitili ang puso ko sa kawalan. "bago pa lang eh... ayaw pang magsink-in, like, ang hirap kase talaga in the first place," sabi ko habang napapayuko. conyo lang teh?
"well, congrats. isa ka sa mga senior high school leaders," sabi niya.
"Haha. maganda na sana kaso sa Topaz lang,"
BINABASA MO ANG
Burn All Diamonds
ChickLitI don't really care about those so called competitions, not before I was elected as a class president. Binoto lang naman ako ng mga unggoy kong mga kaklase kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong maging competitive. sa classroom designs, dance n...