BAD 3

46 3 0
                                    

Sumakay kaming dalawa sa kotse ko at pinaandar ko ito nang mabilis. Napakamot na lang ng ulo yung guard na nilampasan namin. si Raina naman, walang reaksyon at nakatitig lang sa akin nang may pagtataka.

"Damn it!" sabi ko at lalo pang hinigpitan ang paghawak ko sa manobela. "Bakit ba palaging sagabal ang babaeng 'yon sa buhay ko? ba't ba ang sama-sama niya? I don't really understand. siguro pinaglihi siya sa sama ng loob kaya gano'n na lang ang ugali niya. siya ang may pinakamaitim na budhi sa mga taong nakilala ko. Damn it!"

"can you please stop shouting? hello! tayo lang dalawa dito at medyo sensitive ang tenga ko sa mga katulad mong daig pa ang kundoktor kung sumigaw," sabi ni Raina at napasandal na lang sa inuupuan niya.

"I'm sorry,"

Nakalimutan ko na hindi pala siya sanay sa mga pasigaw-sigaw. pero ano bang magagawa ko kung talagang inis na inis ako?

"so, ano ba yung sasabihin mo dapat?" aniya at tinapunan ako ng tingin. "Ano yung sinabi ni Molly na ginawa mo before? I think, wala ka pang nababanggit sa akin tungkol do'n,"

Sa ilang taon naming pagkakaibigan, ito lang talaga ang sikreto na hindi ko sinasabi sa kanya. (except dun sa muntik na akong marape sa zoo) ewan ko kung bakit, pero, hindi naman niya kailangang malaman dahil wala naman siyang magagawa kung sasabihin ko pa. pangalawa, baka pagtawanan lang niya ako o sabihang tatanga- tanga.

"sasabihin ko sayo pagdating natin sa mall,"

"ano ba yan... importante ba yan?"

"not at all... pero kailangan mong malaman. baka naman kasi sabihin mo na may tinatago ako sayo,"

"okay,"

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa parking lot ng mall. sinarado ko agad ang kotse at nilagay sa purse ko ang susi at isinukbit ito sa braso ko. sumunod naman kaagad sa akin si Raina. "good thing dahil nag-extend ang sale," galak niyang sabi habang naglalakad.

"should I say amen?"

"I think so,"

Una muna naming pinuntahan ang forever 21. as usual, girls always want to visit that first. bukod sa preskong amoy nito na para bang nasa new york ka, ay ang mga disenyo ng damit. nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang bagong linya ng mga dress. "Gosh! I like this one," sabi ko at hinablot ang isang floral dress at inihulog sa cart ko. "and also this one,"

"by the way, sabi mo sasabihin mo na sakin right?" sabat ni Raina habang nakapasok ang kamay niya sa bulsa ng jeans niya. malamig ba? I guess not. siguro nasanay lang ako na may aircon sa kwarto ko.

"Oo nga pala, okay let's start... Oh my gosh! this one is so adorable, wait..." naexcite ako bigla nang makita ko ang isang croptop dress na may fuchsia pink na print sa harapan. "okay, ganito kasi 'yon, sumali ako sa cheerdance before,"

napangiwi siya at tsaka pinagpatuloy ang paglalakad. "Yah, alam ko 'yun. atat na atat ka pa nga sa tuwing may practice diba?"

"I lied,"

"what?"

"I lied to you,"

"anong ibig mong sabihin?"

Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kanya. hinablot ko yung isang lime green na tee shirt sa gilid at hinigpitan ang hawak dito.

"hindi naman talaga ako naging miyembro ng cheerdance,"

"what?" napataas ang isa niyang kilay at hinihintay ang kasunod kong sasabihin.

Huminto muna kami nang panandalian at kinuwento sa kanya ang mga nangyari. last year, sumali nga ako ng cheerdance club. nag-audition ako. sakto naman na si Molly ang captain. don't get me wrong, hindi pa kami magkaaway ni Molly nang mga panahong 'yon. naging kaklase ko rin kase siya noong Grade 8 pero hindi kami gaanong close at hindi rin kami nagpapansinan. Akala ko ay agad niya akong tatanggapin sa club pero hindi. sinabi niya na kailangan ko munang maging water girl for 3 months. I was confused back then, pero pinaliwanag naman niya through chat kung bakit.

Burn All DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon