Tumayo ako kaagad at pinagpagan ang pwetan ko. medyo masakit din yung pagkakabagsak ko inferness. sa dami-dami ng panahon na pwede akong madapa, bakit ngayon pa? kung kailan nandito ako sa maraming tao. pwede naman akong madapa sa banyo diba? o kaya naman sa sarili kong kwarto. na ako lang mag-isa! ako lang ang makakakita at wala ng iba. paano ko pagtatawanan ang sarili ko kung inunahan na akong pagtawanan ng ibang tao? so awkward!
Lalo akong nabadtrip nang makita ko yung mayabangna jerk na nakaupo habang nakatitig sa akin. yung tingin niya sa akin, animo'y paulit-ulit na sinasabi sa mga mata niya na- hoy ang tanga mo naman! haha lampa! ang hina ng buto mo. para kang ewan eh, lampa to. nakakatawa ka!
Siningkitan ko lang siya ng mata at unti-unti na naman akong napakuyom. gusto kong sumigaw nang "Hoy! wala kang karapatan para husgahan mo ako! ang yabang-yabang neto eh. kung ikaw kaya madapa? ang yabang! tsk! tsk! kapag ikaw nadapa tignan mo at ipapa- billboard pa kita,"
"Look what you've done!"
Na-divert ang atensyon ko sa babaeng natapunan ko ng yogurt. muntikan na akong mapawow dahil british accent ang ate niyo. ang lakas din ng fashion sense niya dahil akmang-akma sa maputi niyang balat ang suot niyang shiny violet blouse at skinny jeans. mukha siyang foreigner pero nasesense ko pa rin na may lahing filipino ito. "Oh, sorry!" sabi ko na lang.
"sorry? sa tingin mo ba malilinis mo itong blouse ko gamit ang sorry mo? duh? why are you so steewwwpid kase?" napaikot pa ang bughaw niyang mga mata. "siguro nagkulang ka sa calcium kaya ang hina ng bones mo no?"
Aba! Aba. ang lakas ng trip nitong husgahan ako ha? pasalamat ka at maraming tao at ayaw kong magka-iskandalo, dahil kung hindi, kanina ko pa ginupitan yang kulot mong buhok gamit ang grass cutter.
"Nagsorry na nga ako diba? ano pa bang gusto mo? magpatayo ako ng dambana para sayo? haler! ang cheap-cheap lang naman ng suot mo ang arte-arte mo. maginarte ka kung singganda mo si Gigi Hadid," sabi ko.
pero siyempre, joke lang yun dahil hindi ko naman talaga sasabihin yon sa harap ng maraming tao. nasa consiousness pa naman ako para pigilan ang sarili ko na hindi magskandalo. "pasensya na ha... ang malas- malas lang kase ng araw ko ngayon, alam mo na, may kung sinong nilalang ang nakapaligid at nagbibigay ng badvibes," sabi ko with super plastik smile. tinignan ko yung lalaking nakaupo sa table namin kanina at nakangisi lang siya habang inaaral niya ako sa pamamagitan ng mga mata niyo. manyak talaga to! tadyakan ko kaya para matapos na ang storya?
"hay naku! next time kase, mag-ingat ka. ang dulas na nga ng sahig padalos-dalos kapa. duh? hindi to playground para maglaro..."
"teh! tama na. ang oa mo rin eh, nagsorry na nga yung tao oh? ano pa bang gusto mo?" putol ni Raina sa speech nitong babaeng to. tumayo na rin siya at lumapit sa akin.
"bakit ka ba nakikialam?"
"kaibigan niya ako bakit?"
"hayaan mo na siya miss. buntis lang siya kaya nahihilo," sabi nung lalaking gwapo este manyak. nginitian niya ako at yung babae. yung babae naman halos himatayin dahil sa kilig. kita mo? kung makalandi wagas eh matapunan lang ng yogurt ang arte-arte. gaga ba you?
"Anong sabi mo?" bigla na namang kumulo ang dugo ko sa kanya.
"sabi mo buntis ka diba? babe naman, nagsisinungaling ka lang ba sakin kanina?" medyo sumeryoso siya at napailing-iling. ang kapal talaga ng mukha.
"anong babe? gusto mo tadyakan kita diyan?"
"you!" sumabat na naman yung sunga-sungang british accent. kapag ako hindi nakapagtimpi, pakakainit ko to ng isang box ng pizza sa isang subo lang. "how dare you to say that to him? kung hindi mo na siya mahal! ibigay mo na lang sakin!"
BINABASA MO ANG
Burn All Diamonds
ChickLitI don't really care about those so called competitions, not before I was elected as a class president. Binoto lang naman ako ng mga unggoy kong mga kaklase kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong maging competitive. sa classroom designs, dance n...