Nakatayo sa harapan ang adviser naming si mrs. Paige. nakacrossed arms siya at tila naiinip na sa katititig sa amin. hindi rin maipinta ang mukha niya dahil nakakunot ang mga kilay niya senyales na hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. kinalabit ko ulit si Raina na nakasuot ng magenta blouse.
"okay, kanina pa kami nage-elect ng president kaya lang ay palaging nag-oobject ang mga nanonominate... wala pang gustong magtaas ng kamay para magnominate," relax niyang sabi at inayos ang makapal niyang salamin. sumandal naman ako at pinagkrus ang mga legs ko.
"well, ano pa bang expect mo sa section na to diba? malamang wala. kaya panigurado ako na hanggang breaktime tatayo si mrs. Paige sa harapan at mag-iisip ng plano kung paano madidissolve ang section natin," medyo napangiti ako sa sinabi ko.
"anong nakakatawa sa sinabi mo?" ani Raina at tinapik ang legs ko. "anong dissolve-dissolve ang pinagsasasabi mo diyan,"
"ayaw mo ba nun? madidissolve ang section na 'to at mapapadpad tayo sa Diamond. magce-celebrate ako kapag nangyari 'yon," inihagis ko sa ere ang kamay ko dahil ang saya-saya ko. kaya lang bigla akong natahimik nang kurutin ulit ako ni Raina.
"shut up! hindi ba't nasa Diamond ang mortal mong kaaway na si Molly?"
"yah, at gusto ko, magkasama kami sa iisang classroom... para alam mo na... mas malalampaso ko siya kapag gano'n ang nangyari..."
Napatingin kaming dalawa ni Raina sa harapan nang magsalita si mrs. Paige. nakapamewang na siya at handa na siyang maglabas ng sama ng loob.
"Ano na ha? hindi tayo matatapos dito kung hindi kayo magtataas ng kamay," nanggagalaiti niyang sabi. everytime na magagalit siya, lumalaki ang butas ng ilong niya at namumula ang buong mukha niya. nag-iiba tuloy ang kulay nito sa iba pang bahagi ng katawan niya. "ASAP! maglelesson pa tayo! kailangan nating matapos ngayon!"
"magnominate ka Mela," bigla akong kinalabit ni Raina. nakatingin lang siya sa harapan habang kinakausap ako. "dalian mo,"
"why would I do that? eh hindi ko nga kilala ang mga kaklase natin eh,"
"ano ba yan. fifteen na nga lang tayo dito hindi mo pa memorize ang mga pangalan nila,"
"ano bang mapapala ko kung imememorize ko ang mga pangalan nila? hindi kami close noh,"
"o sige, ikaw! yung babae sa likod. anong pangalan mo?" sabi ni mrs. Paige habang itinuturo ang isang babaeng buhaghag ang buhok na nakaupo malapit sa bulletin board. nahihiya pa itong tumayo.
"ako po si Mariz," nakayuko niyang pakilala sa sarili niya. "and I will nominate Amelia Jensen as president,"
"No!" napatayo ako dahil sa narinig ko. at sino siya para inominate ako? wala akong plano para patakbuhin ang classroom na 'to. I don't even like this section. "I object!"
"I nominate Amelia Jensen as president," nagsitayuan ang lahat ng mga kaklase ko habang paulit-ulit nilang binibigkas ang pangalan ko. pwera lang kay Raina na napapailing na lang.
"I guess, the majority wants you to take over the position. wala na tayong magagawa Amelia. ikaw na ang bagong president!"
"Gosh no! I object!"
***
Wala akong gana habang nakatitig ako sa lasagna na libre sa akin ni Raina. pagkatapos kasi ng classroom election, kaagad kaming dumiretso sa Cafeteria. ako dapat ang manlilibre dahil president na ako pero halata naman sa pagmumukha ko na nagluluksa ako dahil sa posisyon ko. gusto kong mag-object, kaya lang ay wala na akong magagawa. galit na si Mrs. Paige at sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong tanggapin ang posisyon ko.
BINABASA MO ANG
Burn All Diamonds
ChickLitI don't really care about those so called competitions, not before I was elected as a class president. Binoto lang naman ako ng mga unggoy kong mga kaklase kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong maging competitive. sa classroom designs, dance n...