"huminahon ka nga lang muna miss," tugon niya.
ang yabang ha! ako pa talaga ang hihinahon. duuuuuuh!
"pa'no ako hihinahon kung nasa harapan kita? excuse me lang ha! artista ba ako para istalkin mo? yung totoo. kinukuhanan mo ba ako ng picture para ibenta sa internet?"
Tama naman ako diba? siguro, matagal na niya akong sinusundan. siguro, ang dami ko ng mga pictures sa kanya. siguro, pinagpipyestahan na ang mga letrato ko over the internet. oh em gee! it can't be. paano kung gamitin nila ang picture ko sa masamang hangarin? paano kung ina-upload pala sa porn site ang mga magaganda kong letrato?
"wait. let me explain. makinig ka," pa-easy niyang sabi.
"no!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin. akala mo maniniwala ako sa mga palusot mo? never. "alam ko na kung bakit mo 'ko kinukuhanan ng letrato. siguro, pinagkakakitaan mo'ko sa internet no? kaya pala tingin nang tingin sa akin ang mga lalaki... siguro nakita na nila ang picture ko sa kung ano mang porn site na pinupuntahan nila..."
"what are you talking about?"
"no.. nooo.. wag mo 'kong englishin. marunong din akong mag-english kaya wag mo'kong yayabangan. umamin ka na. sabihin mo na ang totoo. kapal mo rin eh no? anong karapatan mo para lapastanganin ang pagkatao ko ha? at sino ka ba sa tingin mo? idedemanda kita.. idedemanda kita.. heeeelp! heeeelp!" sumigaw ako at kinuha ang atensyon ng ibang mga studyante sa malayo. pero hindi tumigil lang sila ng ilang segundo at kumindat sa lalaking kaharap ko. umalis na rin sila kaagad dahil sa pagmamadali.
napatigil ako nang bigla niya akong hawakan sa braso. oh em gee.. heto na naman. siguro ito na ang panahon para gahasahin niya ako. "tumigil ka nga. bakit ka ba sumisigaw?"
"don't rape me please I'm virgin,"
napayakap ako sa katawan ko. bumitaw na rin siya. subukan mo lang na gahasain ako, makikita mo kung anong mangyayari sa future mo.
"eew," marahan niyang tugon at napataas ang kilay. para bang nakakita siya ng nakakadiri. "sa tingin mo ba gagawin ko sa'yo yun? sa katulad mong diretso at walang shape? sa katulad mong over-acting? you're not even attractive."
Aray ko naman day. sana dinahan-dahan mo muna ang panghuhusga sa akin. nasaktan talaga ako ng bongga sa sinabi mo. ouch! aray! aray nakooo.
Inalis ko bigla ang pagkakayakap sa sarili ko at napatingin sa ilalim. pagkatapos ay tinignan ko ulit siya. sinusubukan kong lunukin ang mga pinagsasabi niya pero hindi ko talaga kayang kainin. nakakasuka. sino siya para husgahan ako? wala siyang karapatan.
"alam mo, kung ako lang ang nanay mo. malamang hindi na kita pinanganak,"
"HAHA," bigla siyang humalakhak ng nakakaloko. naniningkit pa ang mga mata niyang may makakapal na eyelashes habang tumatawa. tapos yung labi niya, sobrang perfect arch. what? no! hindi kaya. bakit ko ba sinabing ganon. napakapula nga ng labi niya eh, I'm sure naglilipstick to. eww? "I think my mom is more hotter than you,"
"luh. paano mo naman nasabi yo'n aber? your mom is too old!"
"siguro librarian ang nanay mo no? sa kanya mo siguro namana ang pagiging mataray mo. tell me, pinaluluhod ka pa rin ba ng nanay mo ng may libro sa kamay at ulo?"
napaikot ako ng mata sa sinabi niya.
"siguro parlorista ang nanay mo no? sobrang kapal kasi ng lipstick mo at sobrang kapal din ng mukha mo. foundation ba yan or natural nang makapal?"
ngumisi lang siya. ano bang problema ng isang ito? ang sarap hampasin ng stilleto eh. isa na lang. pag hindi kita natantsa, lulusot ang takong ko sa bumbunan mo. I SWEAR! wag mong sabihing gwapo ka.
BINABASA MO ANG
Burn All Diamonds
ChickLitI don't really care about those so called competitions, not before I was elected as a class president. Binoto lang naman ako ng mga unggoy kong mga kaklase kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong maging competitive. sa classroom designs, dance n...