Chapter 16: Training Battle I

281 48 16
                                    


Training Battle I

3rd Person POV

Lahat ng estudyante ay naghahanda na para sa unang araw ng training battle, na gaganapin sa open field. Naghanda ng malaking screen sa gitnang itaas ng open field ang mga technology manipulator, tulad nalamang ni Prof Larry. Dito malalaman kung sinu-sino ang magkakalaban.

Saktong alas-siyete ng umaga uumpisahan ang dwelo. Kaya naman maagang nagtungo ang grupo ni Liah sa open field. Magkakatabi din silang umupo sa bleachers.

"Nakakakaba pala kapag nandito na mismo sa harapan ko yung paggaganapan ng training battle," sa isip lang ni Liah, habang nangangatog pa ang kanyang mga binti. Lingid sa kaalaman niya na maari silang mag-usap ng kanyang guardian, sa pamamagitan ng kanilang isip.

"I know you can do it, master. I'm always with you," wika ni Phyro sa kanyang master.

"Baby Phyro, ikaw ba 'yan?"

"Malamang! Sino pa bang tumatawag sa'yo ng master?" masungit na sagot ni Phyro. Napakunot naman ang noo ni Liah, dahil sa sagot ng kanyang guardian. Naiinis ito sa pagiging moody o bipolar ng kanyang guardian. Minsa'y mabait at magalang, minsan nama'y ubod ng sungit.

"Wag mo na nga lang akong kausapin! Bwisit ka," nawala na ang tinig ng kanyang guardian pagkatapos niya itong sabihin.

"May I call all your attention students of Enchantazia Academy," panimula ni Professor Malvar. Natahimik naman ang mga estudyante na kanina ay may kanya-kanyang kwento sa katabi. "Training Battle is about to start. So get ready," dagdag pa nito. Lalo namang lumakas ang tibok ng dibdib ni Liah, dahil sa kaba.

Napansin ni Crince ang na hindi mapakali sa kinauupuan niya ang kabadong kaibigan. "Hey, wag ka ngang kabahan. Kayang-kaya mo 'yan no. Relax ka lang!" pagpapakalma nito sa kaibigan, sabay hawak nito sa kanyang kamay.

"Okay, kaya ko 'to!" ani Liah at saka nagbuntong-hininga. Tumingin ito sakanyang kaibigan at saka ito ngumiti.

"Let's start the first battle," wika ng gurong si Larry. Lahat ay nakatingin sa screen, kapwa nagpigil hininga ang mga estudyante, hanggang lumabas mula sa screen ang pangalan ni Beatrix at Hidalia.

"Tignan na'tin kung totoong nasa kanya nga ang GLevelGuardian," sabi ni Denise habang diretsong nakatingin sa gitna ng open field. Pumwesto na si Hidalia sa gitna, habang nakangisi ito.

"Cheer for me guys," sambit ni Beatrix bago magpunta sa gitna. Sigurado naman ang magkakaibigan na matatalo ni Beatrix ang kanyang kalaban.

"Go Beatrix!!"

"Hidalia uwe!"

"Beatrix for the win!"

Sari-saring sigaw ng mga manonood. Ngunit isang sigaw mula sa isang lalaki ang umagaw sa atensyon ni Beatrix at nakapagpabilis ng tibok ng puso nito.

"Beatrix, manalo matalo.. pagkatapos ng laban, MAGIGING AKIN KA!" Hindi maiwasang mapangiti ni Beatrix, kahit na nahihiya ito sa pinagsasabi ng binatang si Nathaniel. Kantyaw naman at tili ang umalingawngaw sa buong lugar. Maging ang mga guro na nagbabantay sa mga estudyante ay nakisama narin sa namumuong pag-ibig sa pagitan ng dalawang royalty.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon