Chapter 5: Rival

381 81 22
                                    


Rival

Harlene's POV

Tatlong araw na simula nung mawalan ng malay si Liah. Palagi namin siyang binibisita dito sa clinic kasama ang mga royalties. Gusto ko sanang matuwa dahil nandito si Prince Azrael kasama namin pero hindi ko magawa dahil sa kalagayan ni Liah.

Nalaman din namin kay Airo na isang taga-Darkous ang may gawa nito sa kaibigan namin. Hanggang ngayon palaisipan parin samin kung bakit pinagtangkaan ang buhay ni Liah, samantalang isa lang naman siyang normal na enchanter. Hindi naman siguro naduling yung taga-darkous na yon para magkamali siya ng patatamaan, imbis na si Airo ay si Liah ang natamaan ng dagger niya.

"Madali sana siyang magagamot kung simpleng dagger lang ginamit sakanya, pero isa itong dagger na may kakaibang lason. Buti nalang may ilang wizards na nakatuklas ng pangontra sa lason na iyon at nagamot na nila si Liah. Hindi nga lang alam kung kailan siya gigising" sabi ng pinakamamahal kong Prinsipe na nakasandal lang sa pader habang nakasuksok ang kamay sa mga bulsa niya. Kahit saang anggulo talaga ay napaka gwapo niya.

"What are we doing here ba kasi. Wala naman tayong kinalaman sa kanya!" Maarteng saad ni Beatrix. Kahit isa kang royalty papatulan kita! Kahapon kapa reklamo ng reklamo. Pwede kanamang lumayas dito ora mismo!

"Ilang ulit ba naming sasabihin sayo Beatrix na responsibilidad na natin siya ngayon, dahil si Airo ang huling kasama niya nung mangyari ang pagtatangka sa buhay ni Liah." Sabi naman ni Blue. Napairap nalang itong si Beatrix at nanahimik nalang sa tabi. Buti nga sayo hmp! Buti nalang hindi nakakabasa ng isip 'tong si Beatrix. Pwera nalang kung isusumbong ako ni Prince Azrael na bukod sa pagiging Air Manipulator ay isa ding mind reader. Ay shit! Ba't ngayon ko lang naisip? Lagi ko panaman siyang pinagpapantasyahan, what if binabasa niya isip ko? Owemji! Pero hindi, ano nga banamang pakialam niya sa iniisip ko. Di naman siguro niya gugustuhing malaman. Buti nalang hays~

_

Halatang nag-aala rin si Denise sa kaibigan namin, sa pagkakaalam ko siya yung una niyang nakilala dito sa Academy. Kaya marahil magkaibigan narin ang turing nila sa isa't isa. Habang si Nathaniel naman busy sa pagkakalikot ng gadget niya. At si Airo naman as ussual, tahimik lang na nakikiramdam sa paligid. Pero alam kong nagaalala din siya kahit papano.

Nagitla ako ng biglang gumalaw ang kamay ni Liah. Lahat kami ay tinuon ang atensyon sa kanya, dahil baka gumising na siya.
Nagulat kami nang biglang may tumulong luha sa mata niya.

"Bakit siya lumuluha?" Tanong ko sakanila.

"Tanong mo sakanya mamaya paggising. Wag mo itanong samin" sagot naman sakin ni Crince. Ay grabe! Kaibigan ko ba talaga 'to. Inirapan ko lang  siya dahil sa pagpapahiya niya sakin.

"NAAAAY!"

*puk*

"Ouch!/Aray!"

Kasabay ng pagsigaw ni Liah ay ang biglang pag-upo niya mula sa pagkakahiga. Siguro'y hindi maganda ang napanaginipan niya tungkol sa kanyang nanay. Kasabay din nito ang pagsasalpukan ng ulo nilang dalawa ni Nate. Paano ba naman kasi tutok na tutok ang mukha niya kay Liah.

"Ano banaman yan Nathaniel! Ba't ba kasi pumwesto ka sa harap niya? Ayan tuloy!" Saway ni denise kay nate at binaling ang atensyon kay Liah "Ayos ka lang ba Liah?" tanong nito, marahan naman itong tumango habang hinihimas himas parin niya yung noo niya na tumama sa bungo ni Nate. Halata sakanyang mukha ang lungkot, pero napalitan ito ng pagkagulat dahil sa biglang pagrereklamo ni Nate.

"Hoy! Di niyo man lang ba ako tatanungin kung ayos lang ako?" Aniya.

"Sorry, ayos kalang ba?" Sagot naman ni Liah, mukha namang nahiya si Nate sa pagrereklamo niya dahil siya naman din ang may kasalanan kung bat nagka-untugan sila.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon