Chapter 29: Saving the Princess

146 16 5
                                    


Saving the Princess

[Azrael]

4 AM. Kagaya ng napag-usapan. Nagkita-kita ang mga top enchanters at charmers dito sa sentro ng Enchant Kingdom. Dumating ang mga charmers na sakay ng mga rabilla. They are with their headmaster at ganun din kami, kasama namin si headmistress Corrins. We're going to use our guardians para makarating sa kinaroroonan ni Liah. Sa Guardian's Castle.

Binabalot naman ng tensyon ang pagitan ni Airo at Zac. Sana naman hindi makasira ng plano ang dalawang 'to. But knowing Airo Jovann Cullen, alam kong gagawin niya ang lahat para mailigtas si Liah. Hindi man nila sabihin, it is obvious na ang pinsan ko ang dahilan kung bakit nagkakaganyan sila.

"Handa na ba kayo?" Headmistress Corrins said.

"Charmers and Enchanters bring back our princess in our kingdom." Headmaster Anton added.

We all nodded as an answer. Handa na ang lahat at ang hudyat nalang nila ang hinihintay. This is for you our lost elemental princess, Liah.

"Nawa'y magtagumpay kayo sa mission na 'to. Umaasa kami sa inyo enchanter at charmers," puno ng emosyon na wika ni headmistress Corrins. Walang ni isang salita ang lumabas sa amin bagkus ay determinasyon ang mababakas sa aming mga mata.

"Mag-iingat kayo," 'yon na ang hudyat na kailangan na naming umalis.

"Teka, sasama po kami!" Sigaw ni Harlene na mukhang handang handa ring sumabak sa laban. She is really lucky to have this people who loves her. Kaya nilang isakripisyo maging ang buhay nila para lang sakanya.

"Pero—"

"Sige. Hayaan mo sila Anton. Ako ang sasalo sa kaparusahang kaakibat nito." Headmistress Corrins. "Sige na. Iligtas niyo ang kaibigan niyo."

"Salamat po. Makakaasa kayo."

Sinummon na namin ang mga guardians namin and we're about to go. Nang marinig namin ang isang malakas na ungol.

"GRRRAWWLL" Higoso? Paanong nakarating siya dito.

"Mag-ingat kayo!" Sigaw ni Zac at humanda sa pag-atake.

"Teka! Siya yung iniligtas ni Liah sa gubat. Siya 'yon," wika ni Denise. Tama, siya nga 'yon. Makikita sakanya na lumakas na ang katawan nito. Hindi katulad noong una namin siyang makita.

"Kung gano'n isa pala siyang kaibigan. Nais mo bang sumama?" Masuyong tanong ni headmistress Corrins sa Higoso. Hindi ko alam kung namalikmata ako ng makita kong tumango ang higoso. As if the higoso understands her.

"Grawwwl."

♦♦

[Liah]

I tried to sneak out a lot of times. Pero lagi nila akong nahuhuli. Hindi ko alam kung ba't nagrebelde sila ng ganito. Si Ms.Iseah, alam kong mabuti siyang tao pero mas pinili niyang maging masama sa hindi ko malaman na dahilan.

"Halika." Laura commanded.

"Ayoko nga!"

Nagpumiglas ako sa hawak niya pero wala din akong nagawa.  Nilagyan niya ako ng handcuffs at binusalan ang bibig ko. Hindi lang basta bastang handcuffs ang ginamit nila. Ginamitan nila 'to ng ibang mahika. Sabay kinaladkad niya ako palabas. Ang talino talaga. I can't use my powers at hindi ko masusummon si Phyro sa lagay ko na 'to.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon