Chapter 23: Dark Deciever

160 17 13
                                    

Dark Deciever

"GHAD! Is she awake? I saw her hands, gumalaw 'to." Dinig kong sabi ng isang pamilyar na tinig. Ibig sabihin nakabalik na ako. Tapos na ang pageensayo. Nanatili akong nakapikit habang nakikinig sa mga mahal kong kaibigan.

"I don't know Beatrix, but wait, umiiyak si Liah" ramdam ko na mabilis akong dinaluhan ng mga kaibigan ko at marahang pinunasan ang luhang tumakas sa aking mga mata. Umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan.

Namiss ko silang lahat kaya nagpagpasyahan kong imulat na ang aking mga mata na siyang ikinagulat nila. Kita ko sa mga mata nila ang tuwa ng makita ako.

"Liah! Shit! Gising ka na nga," wika ni Harlene habang hinahaplos ang buhok ko. Nasa magkabilang gilid sila ni Crince sa kamang hinihigaan ko kasunod ang mga royalties. Nandito silang lahat na naghihintay na gumising ako. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nag-aalala para sakin.

"Alam mo bang nag-alala kami sayo? Akala ko talaga hindi ka na gigising! Gusto kitang hambalusin Liah, tinakot mo ko!" naiiyak na litanya ni Crince. Pero bahagya naman siyang nakangiti sa'kin.

"Ilang araw ba akong walang malay?" nagtatakang tanong ko sakanilang lahat.

"Mahigit isang buwan Liah, isang buwan lang naman." Ano? Ibig sabihin panaginip lang ang lahat ng nangyari sakin? Ang pageensayo ko kasama ang mga elemental guardians ay hindi totoo?

"Totoo ang lahat ng 'yon master, dinala ka ng mga elemental guardian sa ibang dimension. Hindi 'yon isang panaginip lamang."

Phyro? Napatango nalang ako sa sinabi niya. Wala talagang imposible dito sa mundong 'to. Ang lahat ng inaakala kong hindi maaaring mangyari o imposible, normal lang pala dito sa mundong 'to.

"Namiss kita Baby Phyro."

"Tss. Lagi mo akong kasama master, there is no way for you to miss me," napangisi nalang ako sa kasungitang ng guardian ko. My Baby Phyro will always be my Baby Phyro. Walang pagbabago.

"Liah!" Gulat akong napatingin kay Denise na siyang sumigaw sa harap ko. Masyado na ba akong nag-spaceout? Napangiti nalang akong tumingin sakanila bago sumagot.

"Namiss ko kayong lahat."

"Awww! Grouphug." Sabay sabay na sabi nila. Lahat sila ay nagsumiksik na sa tabi ko, maliban kay Airo Jovann na nakatingin lang sa tabi. Kahit hindi nagsasalita si Azrael, Nathaniel at Blue alam kong nag-alala din sila para sakin.

"Hoy Airo! Halika na dito, alam kong namiss mo din si Liah! Wag kanang pabebe jan!" Sigaw ni nathaniel kay Airo na siyang ikinatawa nilang lahat. Anong meron?

"Gago!" mura ni Airo at saka kami inismidan.  Ano bang problema niya? Para siyang laging galit sa mundo. Parang nung huling beses lang na nakita ko siya ay pinoprotektahan at siya pa ang nag-alo sakin ng mga oras na sinisisi ko ang sarili ko.

"Siya lang naman ang araw-araw na bumibisita sa'yo dito Liah, kahit hindi naman siya ang naatasang magbantay," mas lalong kumunot ang noo ni Airo sa sinabi ni Azrael. Bahagya naman akong napangiti sa nalaman ko.

"What are you talking about!?" Iritadong iritado na si Airo ngayon dahil pinagtutulungan siya ng mga kaibigan niya. Bakit ba ayaw niya nalang aminin na nag-aalala lang siya? Hindi naman 'yon masama.

Royal Blood: The Elemental Princess [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon