Part 17

15 1 0
                                    

__________________________________

PART 17 - FADING HOPE

//NAISSE PoV//

Tao... tao na ako.

Paulit ulit kong winawagayway ang aking mga kamay sa ere at kinukunot ang aking mga daliri ng aking paa sa lupa. Ilang beses rin akong naghikab at naghinga ng hanging kailanmay di ko na nasabing mabango.

Tulala ako sa paligid at nahihilo sa kada lingon ng aking ulo. Maraming nakatingin saakin at tila nahihiwagaan parin sila sa nangyayari.

Nawala na ang aking focus, mukang hindi ko na ata maililigtas si Rap. Namuo ang isang ulap sa tapat ng Transferee College ang paaralang pinapasukan nila.

Maiitim at tila puno ng kidlat at kulog ang paikot na hugis ng ulap ang bumalot at nagsanhi ng kadiliman sa buong paaralan.

Ang mga estudyante naman ay tulala at ang iba ay umiiyak sa takot. Lumalakas na ang ihip ng hangin at may mala-usok na kumakalat sa sahig at unti-unti itong lumalapit saakin.

"Anong ginawa mo Naisse. Anong ginawa mo..."

Isang matinis na sigaw ng ba babae ang bumuo sa hugis ng usok. May mukha itong natutunaw at para bang naaninag ko ang kwintas na nakapulupot dito.

Nakilala ko ang usok ..ito ay ang Diyosang bumuhay saakin... unti unti itong hinila pataas sa mga ulap na para bang ipo ipo at biglaan din naglaho ang madilim na ulap at sumikat muli ang araw.

"Bakit..."

Hindi ko alam ang gagawin at hingal na hingal akong pinagpapawisan sa mga pangyayari.

Ako naman ay buhay...

buhay na buhay... Ngunit maaakit at tila di ko matanggap na ako'y bumalik saaking katauhan... Anong klaseng nilalang ako ngayon?

Bakit parang ngayon lang ako nalinawan. Ang malaMahikang lakas ni Ash ang bumuhay saakin at mukang hinahanap ng katawang ito ang mahikang yun.

Hindi ako tao... isa nalang akong instrumento ni Ash. Kailan pa lumakas si Ash. Nasan na ang diwata? Ano na ang gagawin ko.

Para akong robot na naglalakad hindi ko kontrolado ang aking mga yapak ngunit ang isipan ko naman ay lumilipad at nagtatanong.

Nakita ko na si ASH.. yakap niya si Rapunsel.

Si Flint at Clarisse naman ay nakalatay sa sahig na para bang nahimatay.

Unti unting lumingon si Rap... iba na ang kaniyang titig.. wala ka ng mararamdamang emosyon sakanyang mga mata. Dahan dahan niya akong nilapitan at sinapak.

Napahawak ako saaking namumulang pisngi at tila may tumulong luha dito.

"Deal is OFF Naisse! Tao ka na! magagawa mo nang agawin si Flint kay Clarisse! GUSTO KO NG MAGLAHO NAISSE! Isa lang naman kasi ang hiling ko diba? DIBA?? Pero bakit kailangang mawala ang panibago kong hiling ... mahal ko si Flint, Naisse..."

Nagulantang ang mundo... ang pangako. Dahilan nito ay ang itim na majika ni Ash.

Ngumiti si Ash ng nakakalokong ngisi at nilapitan si Rapunzel.

"Anong gagawin mo??"

Tinanggal ni Ash ang wig ni Rap at hinalikan ang ulo nito...

Lumaki ang mga mata ni rapunzel nang maramdaman niyang may nahuhulog na mga hibla ng buhok.

Parami ito ng parami.. mga itim at bagsak ito na hanggang siko ang haba.

‘‘hin-di na a-ako ka-aalbo..."

Hinarap siya ni Ash sakanya at hinalikan sa labi. Saktong nagising si Flint at natulala.

"RAPPPP!"

Sa di kalayuan may sumigaw na isang babae..

Si Jeya...

♥ I'm Your Rapunzel ♥ (( ON_GOING))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon