Part 12

40 2 1
                                    

______________________

Part 12 -- Save Me!

______________________

Flashback.....

Nasa park ako... sa ilalim ng puno nilalaruan ko ang bola kong kulay dilaw at may smiley na nakadrawing. Siguro mga pitong taon gulang palang ako ng araw na yun.

Pinaglaruan ko ang aking bola, aksidenteng nabitawan ko ito at nagpagulong gulong sa plaza ng park... kung saan maraming bata ang nag-lalaro. Gusto ko sanang habulin ang bola ko, o kaya gusto ko sanang sumali sa mga batang naglalaro.. Pero,,,

Sabi ng Mama ko... dito lang daw ako sa likod nitong malaking puno.. nalaman ko na kasi nung nag-kaisip na ako na.. Kalbo ako... sabi ni Mama gagawan daw namin yun ng paraan.. kaya simula noon nag-susuot na ako ng WIg.

Sumilip ako sa likod ng puno upang makita ko kung nasaan na ang aking paboritong bola, Nakita ko bigla ang isang babae na hawak-hawak ang bola. At masayang pinaglalaruan ito... SUmali ang ibang bata at Pinaglaruan na nila ang Bola ko.

(T__T) "tama na nasasaktan ang bola ko.." Pinagsisipa ng isang batang pag-katabataba ang bola ko... ang babaeng unang kumuha ng bola... ay pilit namang inaagaw ang bola doon sa lalaking mataba.. habang ako umiiyak sa likod ng isang puno...

!!POP!!

(O_O) wala na ang bola ko... pumutok na ito... wala na akong laruan.. Bigla akong lumapit sa mga bata at pilit kong pinulot ang pira-pirasong bola ko.. naramdaman kong nasa likuran ko na ang batang mataba na siyang dahilan kung bakit nawala ang laruan ko..

"Hahaha! Alien ba itong batang ito bakit kulay dilaw ang buhok nito!!??"

Patay ang wig ko! Tinanggal ito nung batang mataba at halos lahat ng batang nakapalibot saakin ay pinangbabato ako ng buhangin! SAbi nila ALien daw ako! Yung iba naman tawa-lang ng tawa habang kinutstya ako..

Pero.. yung babae...

Habag binabato nila ako ng kung ano ano... umupo ako at pilit pinoproteksyunan ang sarili ko gamit ang braso ko na nakapulupot so ibabaw ng ulo ko.. "tama na..." walang pumapansin saakin kahit pa mga magulang... siguro akala nila simpleng laro lang ito ng kabataan..

Napansin kong paunti ng paunti ang mga batang nakaplibot saakin... nakita ko bigla yung babaeng pumulot ng bola ko... may hawak-hawak siyang Stick... at pinag-papalo ang mga bata sa paligid!

"UMALIS NA KAYO!!! SHOOO!!! ALIS!!!"

Nagsialisan ang mga bata... kung sabagay nakakatakot itong batang to.. (T___T)

"Bata okay ka lang??" Ngumit siya saakin at inabot nito ang kamay niya... hinawakan ko ang kamay niya at tumayo... Habang siya tinanggal niya ang suot niyang sumbrero at inilagay niya sa ulo ko..

"Oo.. okay lang.."

(^__^) "ANong pangalan mo??"

"Ra-rap--

"Rap! astig naman ng pangalan mo parang Rap! Yo! Yes yo! hihi (^w^)"

"hindi-hindi... Rapunzel ang pangalan ko" Nakakahiya man.. bakit yun pa ang pinangalan saakin... bakit rapunzel pa..

"Hahahahha!! diba siya yung prinsesa na may mahabang buhok???"

Sa kasamaang palad pinagtawanan niya ako... Pinulot ko parin ang pirapirasong bola at tumalikod na ako sakanya at dumiretso sa puno...

"Ui deka lang sorry..." Niyakap ako nung bata at..

"Gusto kitang maging kaibigan Rap!"

                    

♥ I'm Your Rapunzel ♥ (( ON_GOING))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon