Chapter 4 - Strange

5 3 0
                                    

Alice's POV



Gumising akong nakasimangot. Parang ayoko ko na talagang magising araw araw kung ganitong scenario lang ang maabutan ko. Sabayan mo pa ng bwisit na lalaki na yun. Argggggghhh!




Pagkatapos nang pangyayari sa loob ng cafeteria ay nagdesisyon na akong umuwi para hindi ko na makita ang jerk na yun. Nakakabanas! Tamang tama nga ang bansag ko sa kanya.

"Alice!" tawag sa akin ng tao sa may pintuan.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng Harry Potter nang marinig kong may tumatawag sa akin. Napa-tss na lang ako. Istorbo!

Tumayo ako para pagbuksan ang istorbo. alam ko na hindi si mom at dad yan. Isa lang ang nasa isip ko.

Ayun.. siya nga. Napataas agad kilay ko.

"Tagal mo namang buksan ang pinto cous!" ayun kaagad ang bumungad sa akin. Pumunta siya sa may kama ko at pinakialaman ang laptop ko. Jeez.

"Anong ginawa mo dito? Diba pinagbawalan na kita?" mariing sigaw ko sa kanya.

Napa oh-so-what look naman ang babaita na ito. Asar! Kanina sa campus may jerk pati ba naman dito sa bahay ay may pasaway?!

"Hindi na ako magtataka cous! May sign nga sa may pinto na 'No Pets Allowed' at alam ko na ako yun" pailing-iling na paliwanag niya. Hay nako talaga.

Nga pala. Yan pasaway na yan ay ang magaling kong pinsan na si Nicole Perez. If I know kung bakit ayaw niya sa iba naming pinsan kasi hindi daw niya mainis ito. Kung hindi ba naman kalahating loka?!

"I.don't.care.labas.!" mala dragong babala sa kanya. Psh! Naiistress na ako sa lalaking yun dahil sa pagtawag niyang stalker... kahit dito sa bahay may pasaway.

"Ikaw naman... hahaha! Enjoy!" Sabi niya sabay karipas ng takbo palabas.




Kinagabihan ay nalaman ko na dito muna siya mag sta-stay sa bahay. At to make the thing worse.... sa mismong kwarto ko muna daw siya matutulog. Napaka talaga.


Bumangon na ako. Buti naman at wala dito ang asungot sa kwarto ko. Maagang nagising para nakapaghanda na daw siyang kumain.


Agad akong lumabas kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis. Another day again with that jerk. Nako.. wag lang talagang mag krukrus ang landas namin. Baka bigwasan ko ng upper cut ang loko na yun. -___-


Masaya akong kumakain ng agahan. Hindi naman maalis sa isip ko ang pangyayari kahapon. argggggghhhhh~ kumukulo talaga dugo ko sa isang yun.


"Hi cous! Ganda ko ba para matulala ka?" narinig kong sabi ng magaling kong pinsan. Nagpipigil ng tawa naman si Mom at pansin ko na maaga atang umalis si Dad.


Tinignan ko siya. hindi pantay na kilay.. kulang sa blush on. I frowned.


"Oo. Gandang itapon. Ayusin mo nga mukha mo. Dinaig ka pa ng GRO sa gabi." pang-aasar ko. Imbis na sumimangot ay binelatan pa ako ng mokong. Hays!

Crystal Kingdom and the 4 Magical BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon