Chapter 7- The Gifts

5 2 0
                                    

hello!

Musta naman po kayo? HAHAHA. ito maganda parin. ano konek?!

Enjoy Reading Folks.

Trish~


------------------------------------




Ocean's POV


Pinagmasdan kong muli ang scroll. Hindi daw bubukas ito unless pumunta ako sa Normal na mundo na kinabibilangan niya. Nakita kong nakabalik na si Terra galing Great Hall... pinapunta siya ng Reyna Victoria upang kausapin.


"Ano yang hawak mo?" tanong niya sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Masyadong tahimik na sa ngayon ang kaharian at tila nanunumbalik na ang kasiglahan nito. I smiled bitterly. Ayokong alalahanin ang mga nakita ko sa mga pangitain ng reyna.


"Hey! Ocean! You're spacing out." tawag niya sa akin. Napa-ohh na lang ako. Masyado ko namang dinaramdam ang lahat. Tss


"Ayy. Sorry. Itong hawak ko?" sabay abot ko sa kanya. Pinagmasdan niya lang ito. "Ayan daw ang pinili nang water element ko" paliwanag ko.


"Ayun naman pala eh. Magsabay na tayo!" masayang sabi niya. Napatitig ako. So napili na rin pala yung kanya?


"Nahanap na rin yung iyo?" paninigurado ko. Mula kasi nung nakaraang linggo kasama niya si Wendy. Napagalaman ko na sila ang nakaunang users na nahanap ng mga kapangyarihan nila.


"Oo. Ito nga yung scroll ko oh!" he immediately get his scroll on his back. Akala ko pa naman na nakita na yung kanya nitong nakaraang linggo. Tss.


"Sege.. next day pumunta na tayo" ayun na lang ang nasabi ko. Napangiti naman si Terra sabay ginulo ang buhok ko. Jeez. I really hate someone who will touch my hair. Grrrrr~


Lumitaw sa harapan namin sina Wendy at Phoenix. Nakabusangot si Wendy nang makita ko at walang kibo naman si Phoenix sa isang tabi.


Nalaman ko na yung napili nung kay Wendy ay kasing harot niya. Very silly... in short isip bata. Samantalang laging may dala nang sama ng loob daw ang kay Phoenix... ayun kay Wendy. Napailing ako. So totoo nga na katulad namin sila? Baka naman maharot din ang kay Terra samantalang... ewan.


Nawala ang mga pangamba ko sa nakita ko. Kailangan ko na rin atang paghandaan ang taong napili para sa akin.





Alice's POV




I really hate this day. Admit it. Nakakainis na nakakapraning at the same time. Feeling ko gusto kong umiyak pero nangako ako na hindi na. Para saan pa?! Natapos na yung mga araw na yun at ayoko ko nang balikan pa.

Crystal Kingdom and the 4 Magical BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon