Ocean's POV
"Water Scythe" agad lumabas ang blue magic circle sa kamay ko at labas ang bulto ng tubig para maging element weapon. Pinagmasadan ko ito habang hawak ko. It was highlighted with deep blue color. Sa may blade nito ay may crystal na blue din para magsilbing exit ng power ko.
Winasiwas ko ito. Naglabas ito ng water spikes. Napangiti ako. So far apat na element weapons na ang nagagawa ko. At ito ang mga kailangan ng bagong user namin para kung sakaling lumaban ulet ang Dark Forces.. kaya nilang lumaban ng patas sa kanila.
Kasalukuyang nasa normal world ang tatlo ko pang kapwa element user. Si Phoenix daw ang unang user na nakakakita sa bagong user nito. Samantalang sinamahan lang ni Terra si Wendy dahil baka maligaw lang ito. Isip bata pa naman yun. -____-
"Impressive" banggit ng reyna sa likod ko. Agad kong dinispurse ang scythe ko at humarap sa kanya.
"Maligayang pagbabalik" bungad ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Bahagyang pagod ang aura ng reyna. Pansin ko yun. Nag dire-diretso siya sa may harap ko partikular kung saan pwedeng umupo ang sinumang manunuod sa arena.
"Kamusta na ang kaharian mahal na reyna?" tanong ko. Ang gusto kong ipahiwatig ang kalagayan ng mga nasa labas ng palasyo na lubhang napinsala ng naudlot na digmaan. Kasama niya ang mga semi-users particular ang mga Healers para gamutin ang ilan.
"Masasabi ko na hindi pa lubusang naayos ang epekto ng digmaan" mapaklang paliwanag niya. Bahagyang natigilan ako saglit.
"Marami rin ang hindi pa nakakaalis sa bangungot ng nakaraan" dagdag pa niya.
Napatingin ako sa mga mata niya. Halata na nangangamba ang mga salita na lumabas mula sa kanya. Anong bangungot?
"Hindi ko lubusang mauunawaan." I honestly said. Anong klaseng bangungot ba ang sinasabi niya? Takot? Delubyo?
Tumambad sa aming dalawa ang mala-kristal na salamin na nagmula sa kanyang kamay. Nakita ko ang mga gustong ipahiwatig ng reyna sa akin.
Hindi... hindi dapat mangyari ito.
Nawala na ang salamin sa akin. Bakas pa rin sa akin ang gulat. Tila mas nakakatakot pa ito sa nangyari. Napailing ako. Hindi talaga dapat mangyari ito.
Kumumpas ulit ang reyna at lumitaw sa akin ang isang scroll. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Naka seal pa ito ng kulay blue na tela. Okay?
"Nakasaad na diyan ang napili ng iyong kapangyarihan. Marahil kailangan mo itong puntahan sa normal world para makita mo nang lubusan" paliwanag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Crystal Kingdom and the 4 Magical Bracelet
FantasiCrystal Kingdom. A kingdom known for its peaceful and calm environment. Lahat ng Magic users ay naninirahan sa lugar na iyon. Queen Victoria and the Four Pure element users were their protectors against the Dark Crystal Dungeon. Sa nalalapit na pag...