To all the readers, nagpapasalamat na ‘ko umpisa pa lang, kahit wala pang two or three sentences ang nababasa nyo. Ahaha! Ang kwento na to ay gawa ng aking malanding imahinasyon. You should read my profile para may konting background na kayo bakit ganitong klase ng story ang sinusulat ko. There are some foul words that I used kaya nga naka PG13. Ginawa ko ito for entertainment kaya wag masyado malupit pag mag ba-bash a? Sige go ahead read it but please don’t forget to vote, fb like, google like, and COMMENT!
wala po akong pinaggayahan ng story coz it's based partly on experience. (not unless pareho tayo ng experience) XD
all rights reserved 2012.
_shubidubiduwap_
Eiji’s Point of View:
Ang hirap ng buhay ng bakla. Nakakainis. Nakakaloka. Gusto nyo malaman kung ga’no kahirap? E kung kayo kaya mahulog sa manhole at maputukan ng litid sa leeg kakasigaw ng ‘Help! Help!’ tas wala lang pumansin? Hindi ba nakakainis!? And what’s worse than that is that ayon na e! isang exclamation point na lang ang ii-input para masend ang text bigla namang nag low battery SHITdown! Kalokaaaa!!!!
Siguro past seven na. Kanina pa ‘ko nandito nakaupo, na-immune na ako sa bantot ng hangin, nabingi na ‘ko sa chickahan ng mga daga, ano pang mahihiling ko? Oh yea!
“Sana bro di nyo na lang ako pinilayan pagbagsak ko dito sa manhole para kanina pa ako nakaakyat” Sinisi ba naman si bro? haha! This is me trying to smile in spite of the darkness that surrounds me. Nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni until may bumagsak sa aking matigas galing taas.
“Kuya! Kuya! Yung bola ko nalaglag sa manhole!” sigaw ng bata. Pusang ina! Bola pala ng basketball! Mahilu-hilo rin ako dun a?
“Hawakan mo tong bag ko. Bababa ako.” Sabi ng isang lalaki if I’m not mistaken, the older brother.
Yehey! Finally! Someone will come and rescue me!
Naramdaman ko siyang bumababa. Hindi ko makita ang mukha tanging sillhoutte lang.
“Pano ko kaya yun mahahanap. Ang dilim dilim.” Sabi nya, napakamot sa ulo.
“Hindi mo na kailangang maghanap. Eto hawak ko.” Then nagulat sya. Napaurong sa kaba.
“Aaah! Multo! Multo!” sigaw nya. Lang hiya to! Ako multo? Para syang umaakyat kaya pinigilan ko.
“Hoy!”
“Aaah!” sigaw nya. Nadulas ata yung kamay nya kaya nakabitaw.
“Kasi naman calm down! Hindi ako multo. O!” lumapit ako at iniabot sa kanya ang bola. Kinuha nya eto at inihagis pataas.
“Kuya andito na!” sabi ng bata. Malamang hinagis e. Naramdaman kong paakyat na uli sya.
“Uy! Wala ka bang nakakalimutan?” sabi ko.
“Ay oo nga pala…Salamat mabuting kaibigan.” Lang hiya talaga to!? Hindi pa rin maniwalang hindi ako multo.
“Ugh!? Tulungan mo naman ako! Ako na nga tinamaan ng bola e!” sige ako na nagpakahumble, kahiya kasi sayo e.
Bumaba sya ule at nangahas lapitan ang ‘multo’.
“Bakit ka nagmumulto sa manhole na to?” Ah! Konti na lang masasapak ko na to e. Ang kulet!
“Hindi nga sabi ako multo! Saktan kita jan e! Nahulog ako dito kanina pa. Napilayaan ang braso’t binti ko kaya gustuhin ko man makaakyat di ko magawa!” halos mamalat ako sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole - Under revision
Teen FictionBROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa manhole, napilayan, at nalaglagan pa ng bola ng basketball. Akala nya wala ng mag-aatubiling sumagip sa kanya. Ngunit sa di kanais-nais at k...