Buknoy’s Point of View
Mga alas dos na siguro ng madaling araw ako nakatulog; gaya kasi ng sinabi ko – ako na ang bahala sa mga damit niya. Yang Eiji na yan minsan talaga pasaway! Kuskusin ba naman ang pantalon with his bare hands? Ayan tuloy nagkaron ng galos at kung di pa ako pumasok, baka kanina nya pa minarinate ang kanyang kamay sa Zonrox. Mahirap kayang kuskusin ang pantalon!? Kahit ako na sanay na sa paglalaba di rin maiwasang magkagalos. Kailangan talaga ng scrubber. Yup. Hindi ko kayo ginagago; marunong talaga ako maglaba! Ikaw ba naman sabunin ng nanay mo araw-araw tungkol sa mga gawaing bahay kung di ka pa matuto.
Si Eiji kasi nasanay sa washing machine – halata naman sa lambot ng kamay nya noong nagsimba kami diba? Pangalawang beses nya pa lang daw maglaba manually. Dyos ko ano na lang kaya noong unang beses nyang laba? Panigurado, mas malala pa yun sa napala nya kanina. Buti na lang pinasukan ko yung class about “Applying First Aid” dati sa Boy Scouts Conference last summer. And after doing the first aid to Eiiji, I can say it was worth it.
Kinuha ko rin ang pagkakataon (bago pa ako tuluyang maidlip) na titigan ang mahimbing kung matulog na anghel doon sa una kong kama. Gusto kong hawiin yung buhok nya para makita ko ang kanyang mga mata kaso baka magising. So ang pinagtuunan ko na lang ng pansin ay yung half-opened nyang lips na waring nagsasabing, “Halikan mo ako.” Marinig ko lang talagang banggitin nya yan, hindi ako magdadalawang isip gawin yun. Haha! Kung bakit ba kasi synonymous lang para sa akin ang words na “akit” at “Eiji” e! Nagmaterialize ata ang mga pinagsasabi ko sa aking sarili (siguro narinig ni Eiji) kaya nagshift sya ng sleeping position causing his cloth to lift at the same time giving me an opportunity to see some skin – nice flat tummy! Should or should I not take his cloth off? Hehe! Pervert mode activated.
Eventually, nakatulog na lang ako sa paulit-ulit na pag-iisip tungkol sa pagiging bothered ni Eiji on that “emotional symphony” activity ni Bro. Dale. I know it’s not because of bed – I’m not dense to learn Eiji bought that only to dismiss my persistent queries. Gusto ko nga sana sya i-approach about that matter but the time denied the moment.
Alam nyo bang walang electric fan dito sa kwarto? Naku kung meron man siguro nanigas na ako sa lamig. Sadya na kasing malamig dito sa retreat house and to top it all, nakalimutan ko yung kumot ko (yup. Aside sa walang electric fan, wala ring stock ng kumot.) Ang dahilan - madalas daw kasi nilang makitang nagdadala ang mga estudyante ng kani-kanilang mga kumot (minsan nga may unan pang kasama e…at tatlong stuff toys). Buti naman napag-isip-isipan nilang maglagay ng mga kama; akala ko matutulog kami sa sahig e. At dahil nga nakalimutan kong magdala ng kumot (dala ng pagkaexcite) literal na napakalamig ng gabi ko; ang sarap magpainit (you know what I mean?) Ahaha! Joke! Di ko gagawin yun dito. Sagradong lugar to e atsaka adyan si Eiji no!? Mahambalos nya pa siguro ako ng di oras.
Naramdaman ko na lang bandang huli na parang may kumot na bumalot sa aking katawan. Hindi ko alam kung totoo kasi ang nasa isip ko ng mga gabing yun ay isa akong kangaroo na natutulog sa pouch ni mama kangaroo. Pero waking up at the sound of footsteps, napansin kong I was wrapped up on Eiji’s blanket yakap-yakap si Garlfield? Wag mong sabihing sleep walker ako at kinuha ko lahat ng to kanina? Bumagon ako like a person who just survived a nightmare, looked everywhere until my eyes caught a happy Eiji fixing his bed.
“Good Morning!” bati nya sa akin with the sweetest smile in the universe.
“Good Morning din!” sagot ko. “Kamusta ang kamay?”
“Better. Thanks. How’s sleep?”
“Better. Kaya lang nagtataka ako. How –”
“Nagising kasi ako sa tunog na parang may sinasapian ng masamang espiritu. Ikaw lang pala yun. Kaya ayan, kinumutan kita. Naglagay din ako ng stuff toy sa tabi mo para kung gusto mo ng tanday, may matatandayan ka. Naligo na rin ako after waking up. Sinuot ko na kagad yung nilabhan mong damit. Salamat ha.” Iminodel nya sa akin yung damit nya while saying so.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole - Under revision
Novela JuvenilBROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa manhole, napilayan, at nalaglagan pa ng bola ng basketball. Akala nya wala ng mag-aatubiling sumagip sa kanya. Ngunit sa di kanais-nais at k...