Bogart says 41

17.5K 812 20
                                    

Buknoy's Point of View

Kagabi ko pa pinagdidisyunan, sa ilalim ng buwan, kung papasok ba ako para bukas. Gusto ko syang makita. Hindi. Hindi lang makita, gusto ko rin syang hawakan, hagkan, halikan, marinig ang kanyang boses. Subalit ayoko namang makita nyang namumugto ang mga mata ko; ayokong mahawakan nya ang sugatan kong kamao gawa ng paulit-ulit na pagsuntok sa pader; higit sa lahat, ayokong malaman nya ang ginawa ng pamilya ni Red sa papa ko. Natatakot ako sa kalalabasan. Sa hinaharap. Kailangan kong kumilos.

Tinignan ko ang oras sa display ng cellphone. 5:45. Bukas na kaya yun? tanong ko sa sarili habang nagsusuot ng medyas. Dapat bukas na yun. Wala akong balak isama sa pupuntahan ko ang cellphone na hawak ko; kaya pumasok ako sa kwarto ni Mark na kasalukuyang naghahanda ng mga gamit pang eskwela.

"Oh Mark!" inihagis ko sa ere ang cellphone sa paraang alam kong masasalo nya. "Sayo muna yan. Kukunin ko yan maya pag-uwi. Wag mong pakialaman ang mga text ha? Konyat ka sakin pag-ginawa mo yun!" pabiro kong sinabi, sinarado uli ang kwarto at bumaba para magpaalam kina mama. Si mama lang nakita kong gising; si papa nasa kwarto pa - mahimbing na natutulog. Ang hiling ko lang pag-gising ni papa, hindi na sya malungkot katulad ng nakita ko kahapon pag-uwi.

"Alis na ako, Ma!" pinilit kong maging masaya ang tono para sa kanya.

"Ingat ka anak." 

Ingat ka anak. Madalas itong sinasabi ni mama sa akin sa tuwing umaalis ako at madalas din itong lumalabas sa kabilang tenga. Lalabas uli sana sa kabilang tenga ko ang mga katagang iyon, kung hindi ko lang talaga kinakailangan mag-ingat sa gagawin ko. 

Nilakad ko ang kahabaan ng kalye mula sa bahay hanggang sa makarating na rin sa sakayan ng jeep. Ngunit imbes na jeep papuntang eskwelahan ang sasakyan ko, tumawid ako sa kabilang kalsada at sumakay ng jeep salungat sa nakagawiang direksyon.

Habang papalayo ako sa pinagsakayan ko, unti-unting dumadami ang mga pasahero, malapit na silang magsiksikan base sa nakikita ko sa salamin doon sa unahan. Isang mabilis na sign of the cross ang ginawa ko nang may nadaanan kaming maliit na simbahan bago lumiko pakaliwa at bago may tumabi sa akin doon sa unahan ng jeep.

Maya-maya, habang kulay pula pa ang streetlights at may mga tumatawid pang pedestrian, bumaba na ako ng jeep na sinasakyan at nilakad na mula doon ang isa sa dalawang lugar na balak kong puntahan ngayon. Tatlo kung makauwi pa akong buhay sa bahay pagkatapos kong puntahan ang pangalawang lugar.

Nagbukas na nga sya gaya ng inaasahan ko. Tinulak ko yung pintuan papasok at nakita ko ang aking kaibigan, naglilinis.

"Pre!" tawag ko. Tumingala sya, hininto nya ang pagwawalis at lumapit sa akin.

"O gago kamusta na!?" bati nya nang patanong sabay suntok sa aking dibdib. Ibinalik ko ang paraan nya ng pagbati.

"Eto, gago pa rin." pabiro kong sinabi. Hindi nya na rin kailangang maabala sa pinagdaraanan ko.

"Ano bibilhin mo na ba?" tanong nya sabay pasok duon sa counter para kunin na.

"Oo."

Kinuha nya ang susi sa kanyang bulsa. Pagkabukas nya duon sa lagayan, inilabas nya ito para ipakita.

"Sigurado ka bang gagana to?" pagdududa ko.

"Oo. Ako pa." pagmamalaki nya.

"Pag hindi, balik mo sakin pera ko ha!?" sabi ko habang nakatitig sa ginagawa nya. Inilabas ko na rin ang pambayad nang matapos na sya. Napabuntong hininga ako nang makalabas. Nakita kong umaaraw na. Ilang lakad pa at naroon na ako sa sakayan papunta sa susunod kong destinasyon. Natatakot ako ngunit para kay Eiji, titiisin ko. Sana wag syang mag-alala sa akin. tahimik kong hiniling habang nakasakay na ng jeep. Ngunit dahil sya si Eiji malamang sa malamang, mag-aalala yun.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon