Buknoy’s Point of View
Successful ang stage play namin and yet there’s no standing ovation. Pilipinas lang ata di marunong mag standing ovation. Simpleng palakpak lang, okay na. Kasi ang OA daw kung may patayo-tayo pa. Hindi rin uso ang magbigay ng congratulatory gifts and flowers. Not that I’m expecting one pero noong pagdating dun sa classroom para magbihis kumatok si Patti sa pinto.
“Sino yan?” tanong ni Robert.
“Ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa.” Sagot ni Patti. Napa ‘Wehh…hmmm…di nga!?’ kami nung narinig namin yun. GGSS. Gandandg-ganda sa sarili.
“Bakit ka nandito? Ikaw Pat a! Di ko alam na mamboboso ka pala!” pang-aasar ni Robert. Dito sa classroom kasi naming napili magpalit para hindi na hassle.
“Gago! Ako mamboboso!? Lul! Ako na lang ang natitirang refined na babae sa Pilipinas kung di mo pa alam.” Sabi nya. Taas ng self-esteem nito a?
“Ano bang kailangan mo Majinbu?” sabat ko ng masuot ko na yung pantalon.
“May nagpapabigay ng regalo para sa ‘best actor’ kuno.”
“Sino daw?”
“Ewan. Basta sayo nakapangalan e. Kaw lang yata may regalo. Dapat akin na to e.” sabi nya. Bigla kong binuksan yung pinto at kinuha yun.
“E wala ka pa naman sa kalingkingan ko sa pag-arte e bakit ka nag-eexpect na may magbibigay sayo?”
“Yabang mong Trollface ka ha!? Karmahin ka sana!” sabay alis.
Weird. Bakit ganun na lang kaya naging reaction nung Taguro na yun? Something’s fishy. Anyway, nilagay ko dun sa lamesa ni Sir yung hawak ko at unti-unti kong binuksan.
“Anong laman? Pagkain? Tara tirahin na natin yan!” sabi ni Robert na ngayo’y naglalaway. Pagkabukas ko nagsitakbuhan yung mga ipis dun sa may lamesa. Sobrang daming ipis. Sino kayang matiyagang mokong ang nakaisip na regaluhan ako nito? Napaurong kaming lahat e. E ako na kaninang nakakuyakoy sa upuan nalaglag nung may gumagapang na sa pantalon ko. Ang sakit sa pwet nung bumagsak ako sa semento. Tangna nausog ata kami nung mambabarang na yun a!
“Tol ang laki siguro ng galit ng nagbigay sayo neto!?” sabi ni Robert, inihagis sa ere ung lalagyanan.
“Gumaganti lang yung nunong yun!” Sabi ko.
“E ano pa hinihintay natin? Kuyugin na natin yung punso! Ihian, tapakan!”
“Tol baka lumaki mga bayag nyo pag-inihian nyo yun!?” haha! Akala siguro nila literal na nuno yung sinasabi ko. Ang cute na Eiji lang naman may kagagawan nito. Pano ko napinpoint kinalaunan?Nun kasing nagfa-facebook ako binasa ko yung info ni Eiji (baka sabihin nyo nagsta-stalk ako, di ko gawain yun a!?...weh!? haha!). Nakalagay dun na sa lahat ng mga insektong naencounter nya ipis lang talaga ang kaya nyang hawakan. May sayad din pala si Eiji ano? Ultimo cover photo - mga ipis na nasa garapon. Sya pa lang yata ang bading na ipis ang trip. Karamihan kasi butterfly. Plus eto pang malupit… marunong syang maglaro ng DOTA. Pakshet! Just imagine that! Mahamon nga itong si Eiji next time. Nang makarating sa bahay galing school, agad akong nagpabili kay Mark ng Salonpas.
“Kuya eto na o! Akin na lang sukli a! bibili ko ng Hany.” Sabi ni Mark. Pangdagdag load ko sana yun e kaso… sige na nga. Paborito naman namin ni Mark yung chocolate na tagpipiso na yun e. Pinagsisihan ko na kung bakit ko nilagay yung Salonpas sa pwet ko. Grabe ang init! Kailangan ko tuloy matulog nang nakadapa.
Napakasaya ng Buwan ng Wika! Simula sa pagkakalat ng section Gold noong Monday hanggang sa epic fail dish ni Eiji nung Friday. Nung Friday kasi nagkaroon ng contest para sa lutong pinoy. At alam nyo ba kung ano nangyari?
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole - Under revision
Teen FictionBROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa manhole, napilayan, at nalaglagan pa ng bola ng basketball. Akala nya wala ng mag-aatubiling sumagip sa kanya. Ngunit sa di kanais-nais at k...