Eiji's Point of View
“Lintik na!” bulalas ko ng tanggalin sa casserole ang pang labing pitong beses na attempt ko sa paggawa ng chocolate only to find out sunog na naman. Hinawi ko ng aking kamay ang usok galing dun at nagpatuloy, nagpatuloy sa paglamon. Hanggang sunog kasi ang tsokolate, ako ang tumitira, dahilan kung bakit alas onse na ng gabi, gising pa ako. Bakit kamo nagpapakamartyr ako sa tsokolateng to? Dahil sa tadong TLE project na yan. Biruin mo ba naman kaninang TLE time lang nya ibinigay ang project, ang deadline – bukas, Feb. 14. Malalaman daw nya kung kami mismo ang gumawa o di kaya binili lang sa labas. I don’t know how she’ll do that. Siguro meron syang chocolate-o-meter na dadalhin bukas. But more deeply, I’m staying up late for this chocolate because of Buknoy. Sya kasi pagbibigyan ko nito. Kaya wag nyang mainsul-insulto tong chocolate ko kundi bibigwasan ko sya!
At sa wakas bago mag alas dose perfect na ang chocolate ko! I mean nya. Nilagay ko na sya sa fridge at nag-ala Cinderella sa paglilinis ng karimarimarim na kusina. Kung tinulungan lang kasi sana ako ni mama dito instead na makipagharutan kay Papa, aba’y kanina pa lang alas otso nasa kwarto na ako, either natutulog o nanunuod ng anime. Nabiro ko pa nga sila dala ng pagkainis e. Sabi ko, “Gusto ko baby girl ha!?”
How I wish meron akong bunsong kapatid. Medyo boring kasing maging only child. Wala kang mautusan. Haha! Tignan mo na lang ang bonding ng mag kuyang Buknoy at Mark. It’s one of a kind. Pwede nga ba kaya akong magdemand kila papa ng ganun?
Feb. 14 finally came. And you know what? Ang ganda ng morning ko. Mom and Dad kasi walked into my room, kissed me both on my cheek, then greeted me, “Happy Valentine’s Day anak!”
“Happy Valentine’s Day Pa! Ma! I love you!” I replied, squeezing them both with my grasp.
Simula kina mama’t papa hanggang sa mga tao sa kalsada, wala akong kulay na makita kundi pula. Ang dami ko ring nasaksihang mag couples na nagpi PDA at nagpi PBB teens. Kabi-kabilaan din ang mga nagbebenta ng mga red roses and chocolates sa mga bangketa.
When I approached the school, nagkukumpulan din ang mga estudyante dun sa tagabenta ng mga rosas. Majority ng suki ni manong ay mga first year na lalaki, ni anino ng mga babae wala kang makikita. Siguro ini-expect na nilang may magbibigay sa kanila nun. Hay naku, kaya nga ayaw na ayaw ko yang word na expect e. Maraming nade-depress sa word na yan. Like for example, a girl expecting from a boy to love her only to end up with a shattered heart. Cliché but that’s reality.
As I continued walking, Stephen called from behind “Morning Eiji!” Nang lumingon ako, isang rosas na white ang bumulaga sa akin. Kaba ang unang nangibabaw sa akin, sumunod ang kilig. Nakalimutan na kaya nya ang aming pinag-usapan dun sa retreat house?
“Morning Stephen!” I smiled. “Ano yan?” Ang matagal kong pinag-isipang tanungin, alam naman nating iyon ay isang rosas.
Shyly, he said, “Happy Valentine’s Day.” Then there’s this voice in my head saying, Hay naku! Wag kang maarte! Echusa ka!? What makes you think he’ll forget that talk, straight to the point ka nga nun e!? Kung sa bagay, may punto rin naman ang aking mapapel na konsensya. Not wanting to make Stephen tired a muscle, kinuha ko na from his hand yung plawer. Medyo nahiya ako. Jusko kaw ba naman bigyan ng plawer sa paligid ng mga umaambisyon babae, diba? Ewan ko na lang.
“Salamat.” Pa-virgin kong sabi. “Sorry kung wala akong rose ah!?”
“No-no it’s okay. See you around.” Sabi nya then nauna na sa akin. May pa see you see you around pa, magkaklase lang naman kami. Haha!
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole - Under revision
Teen FictionBROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa manhole, napilayan, at nalaglagan pa ng bola ng basketball. Akala nya wala ng mag-aatubiling sumagip sa kanya. Ngunit sa di kanais-nais at k...