Bogart says "28"

29K 1K 75
                                    

Eiji’s Point of View


Ang kapal ng mukha mong agawin sya sa akin!... Magkano ba bigay mo? Tatapatan ko… Iwasan mo na ang Willer namin!...blah, blah, blah…

Nagising ako sa mga sumisigaw sa aking utak, pawis na pawis at hingal na hingal. Pumasok akong banyo, naghilamos para mahimasmasan. Natakot ako sa reflection ko sa mirror lalo na sa mga mata kong parang nakatira lang ng mahiwagang dahon sa pula. Hay naku! Napakasevere palang magsama sina Ellis, Betty, ang tatlong ulupong at si Ke$ha!? Grabe di ko kineri.

Yaman din lamang at gising na ako ( 3 am ng madaling araw pa lang, my God), lumabas akong kwarto para i-raid ang kusina. Hindi ko na kayang matulog gawa ng stress baka kasi pag natulog ako dumagdag pa yung mga boses sa diwa ko – imbes na sina Ellis, Betty, Ulupongs at Ke$ha lang masama pa si Oh na-na Rihanna, Ra-ra- Lady Gaga, at Boom-ba-dom-boom-boom Nicki. And besides, ginutom ako ng mga Salbakutang yon kaya kailangan lumamon. Fasting? Abstinence? Huh! Never heard that word.

Agad kong pinitas ang ipinagbabawal na prutas (nestle ice cream – vanilla flavah, of course) mula sa Tree of Knowledge (in this case, Fridge full of temptation. Nyahaha!), at sinimulang pagdamutan – oo madamot ako, ultimo ice cream na tumulo sa floor nili-lick ko. Kung ang apple keeps the doctor away, ice cream keeps the worries away. Although, nagtataka pa rin ako bakit sa lahat ng papaginipan mga aswang pa. Bakit hindi na lang si Buknoy - my dreamlover?

And speaking of Buknoy – yang adik na Buknoy na yan – aba’y ipinagpalit ba naman ang kaginhawaang dulot ng pagiging myembro ng BSP sa pagiging alipin ng CAT? Kaya pala naramdaman kong may kakaiba sa kinikilos nya nung araw na yun, aside sa “Can you feel the magic” cheesiness na yun. Pero sa totoo lang, wala ng mapagsidlan ang aking kawagasan. Hayahay!

Nang nakatapak na ang aking mga paa sa sinta kong paaralan, agad kong binisita ang library. Dun din naman kasi ang punta ng klase for the first subject – History. Kung hindi ko pa narinig ang mga yapak ng malakabayo nilang paglalakad, na-Ondoy na siguro ang mga libro ko sa aking laway. Ahaha!

Nasa World War 1 & 2 na ang discussion and to make it more educational, nagprepare si ma’am ng mga documentary, clips, and movies hence we’re here before a wide LCD. Sa totoo lang, antok na antok pa ako kung hindi lang dahil dito kay Hitler na palong-palo makapagbigote. Kung noon pa naimbento ang Twitter, trending ka Hitler. Plus natutuwa ako sa motions ng mga video – black and white and fastforward. Hilarious.

Tsaka lang ako hindi natawa sa napanuod kong slide show ng mga bata, matanda, buto’t balat, lahat pinagpapapatay; sabayan pa ng nakakapanindig balahibong kanta ni Michael Jackson na Kill the World. I can’t believe pareho sila ng mindset ni Hitler na ang tanging aayos sa mundo ay patayin ang gumugulo nito - ang tao. Kill the world, make it a better place. Sa sobrang bothered ko sa kantang yan, inechos ko si Katrin.

“Teh nakakatakot gumawa ng kanta si MJ no?”

“Ano bang pinagsasabi mo? Ang ganda ganda ng kanta e! Hay naku! Dahil yan sa kaadikan mo kay Mariah Carey kaya di ka na nakaka-appreciate ng ibang musician.” She said.

Buang ka talaga Katrin. Maganda ang instrumental ng kanta pero hindi ang message. At please, nakaka-appreciate naman ako ng ibang artists no – kahit puro autotune pa yang mga yan.

“Ewan ko sayo Katrin. Kill the World is scary. Pwede syang theme song ng bangungot ko.” I reacted

“Wait. Umamin ka nga, first time mong narinig ang song ‘no?”

“Uh-huh! And it scares me na.” Then without our warning, she started laughing. I really thought she did that to make herself embarrassed yun pala ako rin ang ie-embarrass nya.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon