Buknoy’s Point Of View:
Matapos ang makalamog-lamang linggo sa eskwela, rumesbak ako ng tulog, Sabado naman bukas e. Nakakatuwa talaga ang tadhana, parati kaming pinaglalapit ng malas na Eiji na yun. Pero kung hindi kami nagkabungguan di ko masusuot itong damit nya. Ang presko sa katawan. Akin na to! Hehe! Kahit na ibalik nya pa sakin yung tshirt, brief at shorts ko, hindi ko na talaga to ibabalik.
Gulat talaga ako ng malaman kong si Patti Bakulaw pala yung sinasabi nyang kaibigan. Papano kaya nangyari yun? I mean, kapre sya si Eiji nuno. Haha! Ang weird ko talaga maghambing. Nung araw ding yun, nilapitan ako ni Patti. Nakakapanibago kasi paglumalapit yun either may itatapon lang na basura sa akin o di kaya magmumura.
(Flash back)
“Ano kailangan mo Shrek?” inunahan ko na ang pang-aasar.
“ Kailangan ni Eiji ng tutor.” Sabi nya.
“Ano? Si Eiji kailangan ng tutor? Nagpapatawa ka ba?” umeksena si Robert aktong di makapaniwala.
“May nakikita ka bang tumatawa? Diba wala? Ibig sabihin, di ako nagpapatawa. Tanga!” Pilosopo talaga tong balyenang to.
“I-tutor mo si Eiji mag basketball kung hindi sisiguraduhin kong babagsak kayo sa gagawin kong 20 items quiz sa irereport ko next week.” Sabi nya sa akin. Seryoso ba to?
“Tangna la namang ganyanan Pat. Kung may galit ka kay Willer wag ka na mandamay.” Pangangatwiran ni Robert.
“Nakasalalay sa chimpanzee na to ang quiz nyo.” At agad syang bumalik sa kanilang table, hindi man lang hinintay kung anong desisyon ko. Para bang pinamukha nya na wala akong ibang pagpipilian.
“Chong tangna turuan mo na si Eiji maglaro. Namumuro na ko sa ermat at erpat ko sa dami ng palakol ng card ko e.Baka palakulin ako ng mga yun.”
(end of flash back)
Kabado na masisi ako ng klase sa gagawing pambabagsak ni Patti next week, sumang-ayon na lang ako. Nung huwebes pa ring yun nag room to room kami sa buong sections sa fourth year para i-promote ang aming pinagmamalaking play. Ako ang naatasang maglead ng R-T-R kasi ako ang BIDA. Ang play ng section namin ay isa lang sa mga culminating activities para sa Buwan ng Wika. Of course, meron ding prinepare yung iba.
Nung time na para mag R-T-R sa Pilot class, bigla akong kinabahan. Feeling ko ako’y nasa lamay. I mean, bawal bang ngumiti? Ang tanging nagpalakas lang ng loob kong magsalita ay ang namumukod tanging nakangiting si Eiji. Para bang sinasabi nyang, ‘Kaya mo yan. Nakikinig ako.’
Nung Biyernes naman gusto kong makausap si Eiji tungkol sa pagtu-tutor ko ng basketball. Hindi ko kasi alam kung kelan ba kami magba-basketball. At mukhang busy sya ng araw na yun. Ayaw ko man gawin pero nilapitan ko si Patti.
(flash back)
“Patti.”
“Tapos ko ng gawin ang quiz na magpapabagsak sa klase.” Bigla nyang sabi.
“Itapon mo na yan.Payag na ako.”
“Mabuti ng nagkakaintindihan tayo.” Sabi nya ng may ngiti sa labi.
“Kailan ba kami mag-uumpisa?” tanong ko sa kanya at sinagot ba naman ako ng,
“Aba’y malay ko! Tanungin mo si Eiji.”
“Mukha syang busy e. Ikaw na lang magtanong.” Feeling nya siguro inuutusan ko sya. Favor lang naman yun e, bigla ba namang nagalit. Siguro looking forward talaga sya dun sa pagbagsak nya sa amin.
BINABASA MO ANG
Ang Multo sa Manhole - Under revision
Teen FictionBROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa manhole, napilayan, at nalaglagan pa ng bola ng basketball. Akala nya wala ng mag-aatubiling sumagip sa kanya. Ngunit sa di kanais-nais at k...